chapter 14

32 2 0
                                    

Did he just kiss me?...

Kiss!?!!?!?! Napaatras naman siya at halatang nabigla din sa pangyayari. Eh ako, heto tulala. Hindi naman issue yun kasi he's not my first kiss pero letchugas! Kiss yun eh! Lumapit ulit siya at

[Pak!]

I slap him. Nabigla naman siya. Wow, siya pa talaga ang nabigla, eh ako nga ang dehado dito eh!

Denis:" anong?!!"

Me:" walang hiya ka! Balak mo pa akong halikan ulit!''

Denis:" halikan?! Ha? Seriously? Kukuha ako ng gatas!"

Then kinuha niya ang gatas sa likuran ko.

Denis:" ikaw ang tanga diyan na hindi umalis, kitang may tinitignan ako sa likuran mo eh! Tapos ano, ako PA ang may kasalanan? Eh ikaw ang lumapit diyan para mahalikan ako eh!"

Me:" kapal mo! Hoy may nagtext kaya tinignan ko lang. Eh NAGKATAON naman kasing lumapit-lapit ka sakin tapos ako pa ang may kasalanan."

Binigyan ko talaga ng effort ang salitang 'nagkataon'. Eh tama naman eh. Siya lang naman talaga ang lumapit. Nakasandal lang yung tao eh!

Denis:" huh?! At ako pa talaga ang may mali?"

Me:" Alam mo kanina ko pa hinahabaan 'tong pasensya ko pero what?! Gaganituhin mo ako?! "

Kinuha ko sa kamay niya ang listahan at nagsimulang magtulak ng cart. Lechugas naman oh! Natapos naman kami sa pamimili ng hindi nag uusap. Kainis talaga yung lalakeng yun! Buhat-buhat niya ang mga supot na pinamili namin habang ako naman isang plastic bag lang ang dala. Palabas kami sa mall papunta sa parking lot. At dahil hindi ko alam kung saan nag-park si Manong Alberto ay t-in-ext ko PA siya. Yes, may load ako courtesy of Greyson as usual. Ayaw ko namang gumastos ng pera ko sa mga hindi importanteng bagay 'noh.

Me: Manong, we're done na po. Well wait here in the parking lot.

Send. Nakatayo lang kaming dalawa dito abang may 1 meter na distance. I don't want to get near him. Naiinis padin ako sa ginawa niya. Maya-maya at nag ring yung phone ko.

Manong Alberto: sorry po mam. Bumili pa po kasi ako ng gulong dahil pumutok kanina ang gulong nung nag park ako. Na traffic pa po ako ngayon kaya kung pwede po sana maghintay-hintay po muna kayo.

Napasimangot naman ako dahil doon. Pag sinuswerte ka nga naman. Hay! Pag tumagal pa kami dito for sure makakagastos pa ako pero pag nag commute kami mas maliit ang maga-gastos. Right! Mag co-commute na lang kami.

Me: sige na lang po Manong. Mag co-commute na lang po kami.

Ilang minuto lang ay nag reply kaagad siya.

Manong Alberto: sigurado po kayo? Pwede niyo naman po akong hintayin diyan.

Me: we can handle na po. Thank-you na lang po.

Manong Alberto: sige ma'am kung yun po ang gusto niyo.

After reading the text message from Manong Alberto ay nagsimula na akong maglakad.

Denis:" where are you going."

Me:" home"

Denis:" aren't we going to wait for your driver?"

Me:" na traffic yun."

Malimit Kong sagot sa kanya. Ayaw ko kasi ng long conversation. Ang awkward.

Denis:" na traffic? Eh akala ko ba nag park siya dito tapis ngayon na traffic siya?"

Me:" bumili kasi siya ng gulong. Nabutas daw eh."

Good thing at nakarating na kami sa sakayan ng taxi pero bad news, wala nang nakapilang taxi. 'Bat ba hindi kami makauwi?! Walang taxi para mag commute. Tsk! Last hope na lang talaga ang Jeep. Sanay naman akong mag Jeep pero hindi dito. Hindi ko pa kasi memorize ang daanan at sasakyan kung saan at ano ang dapat kong sakyan.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon