Chapter 2

81 2 0
                                    

Chapter 2.

‘Tama ba ‘yung narinig ko?.. H-hindi ’

‘H-hindi ako pwede’ng mag kamali, siya ‘yun boses niya ‘yun’

Naramdaman ko’ng tahimik ang paligid kaya naman kaagad ko nang minulat ang mga mata ko. At wala din naman ako’ng naramdamang kamao na lumapat sa mukha ko. Nandito parin ang kaba sa dibdib ko at takot na baka siya nga ang nag salita kanina.

‘Natatakot ako’ng makita ka.’

Pag mulat nang mata ko kaagad ako’ng napatingin sa harap,likod at mag kabilang gilid ko, ngunit wala akong makita miski anino niya.

‘Nasaan ka?’

“Tama na yan.”

Isang napaka-malumanay na boses ang narinig ‘ko. Kaya naman bigla ako’ng napaharap sa mga kaaway ko’ng lalake kanina.

( O_O )

Nagulat ako sa harapan ko dahil siya ‘yung nag salita. Malumanay siya magsalita ngunit nakakatakot naman tumingin. Pinag mamasdan ‘ko siya ngayon, ang tangkad niya hanggang balikat niya lang ‘yung kaaway ko. At hindi ko maitatangi ang akin niyang kagwapuhan. Kahit naka sideview lang siya sakin. Nakaharap siya ngayon doon sa lalaking kaaway ko hawak niya ang kamao nito at sa tyansa ko pa ay mahigpit ang pag hahawak niya rito dahil namumula na iyon. Napako muli ang mga mata ko sa mga mata niya na nakatingin ngayon sa lalakeng kaaway ko. Ang mga tingin niya hindi simple nakaktakot ito.

‘S-sino ka?’ Bulong ko sarili ko dahil alam ko sa sarili ko na ngayon ko lang siya nakita.

“T-tara na!” Nabasag ang katahimikan ng mag salita ‘yung unggoy na kaaway ko. At dahil doon nag simula nadin ang bulong bulungan ng mga nasa paligid.

“Siya naba ‘yun?”

“OMGGG”

“GWAPO! Isn’t?

“Ang gwapooo”

“Ngayon ko lang siya nakita dito..”

“Omg, siya nga ‘yun”

Nakatayo lang ako nang tuwid at nakatingin sakanya. Siya naman ay nakatingin doon sa mga kaaway ko. Nang makalabas na ng pinto yung mga lalake, ay bigla siya nag lakad narin patungo sa pinto ng canteen.

‘Ayun nalang ‘yun?’

“What the, sino siya?”Tanong ko sa sarili ko at sabay napalingon kay Kathy.

“Hoy! Ano tulala ka din?. Kilala mo ba yun ha?.”

Tumango-tango naman ito sakin. Kaya medyo nagulat ako sa sagot niya. ‘Kilala niya?’

“Sino ‘yun?”Paninigurado ko saknya.

“Ang naka tadhana para sakin”Malambing pa ani niya.

Kakaiba talaga epekto kapag nalipasan nang gutom ano po?. Napalinga ako sa paligid at napako ang atensyon ko sa mga babae. Kanya-kanya silang labasan ng makeup. Sa pag kakatanda ko nandito kami sa canteen at wala sa dressing room.

‘Ano ba nang yayari sa mga tao ngayon?’

Binalik ko ang paningin ko kay Kathy. Aba kung kanina tulala ito ngayon ang laki na nang ngisi nito habang nakatingin sa kawalan. Kinalabit ko pa ito ngunit muka padin siyang naka droga. ‘High na high si ateng’ 

Five Last Words ( ONGOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon