Simula.
Yassi’s POV.
August na ngayon halos mag ta-tatlong buwan na mula noong mag umpisa ang klase. Nakaupo ako ngayon sa bandang likuran habang nag kklase si Miss.Casta. Siya ang History teacher namin.Isa sa mga terror teacher sa skwelahan na ‘to. Simula noong lumipat ako dito noong nakaraang taon teacher ‘ko na ‘to. Malakas ang boses niya parati tuwing nag kaklase siya ‘yung tipong akala niya siguro limang kilometro ang layo ng mga studyante niya saknya.
“Kayo’ng mga lalake diyan sa likod!.” Ani niya habang pinag-tuturo ang mga lalake ko’ng classmate sa likuran. “Panay kayo daldal. Kapag pagdating na sa klase ko para kayo’ng mga anghel jan sa likuran.” Dagdag pa neto.
Tuwing may nahuhuli siyang maingay sa iba naming subject ganyan siya. Naiinggit siguro. Pag maingay kami nagaglit. Kapag tahimik nagagalit padin. Malabo ano po?
(-____-)
“Aaaaaaaahhhhh”Mahinang hikab ko. Habang ang kanang kamay ko naka-tanghod sa mukha ko at habang nakaharap sa galit na galit na mukha ni Miss.Casta. Panatag ako sa anumang gawin ko dito sa likuran dahil hindi niya din naman ako makikita. Kaya naman unti unti ko’ng pinikit ang aking magagandang mata.
“Ms.Gonzaga!!!!”
“Ay, anak ni Casta.” Gulat na ani ko. Sa gulat ko din natanggal ang kamay ko naka-alalay sa muka ko. At ito ang naging dahilan sa muntikang pag lagapak ng mukha ko sa desk ko.
( O_O)
“Hahahahahaha” Tawanan nang mga kaklase ko dahil sa nang-yari.
Kaya naman bigla ako’ng napaayos sa pag kakaupo ko at unti-unti tumingin sa umuusok na ilong nang teacher namin.
“Aba Gonzaga!. Kung hindi ka interasado sa klase ko, mag drop kana!” Galit na galit na ani nito. “Simula noong mag umpisa ang klase ko wala ka-parin recitation sakin. Magaling!” Dagdag na ani neto ni habang hawak-hawak ang classrecord niya.
“I-I’m sorry Ms.” Nahihiyang sagot ko saknya .
“At ikaw Ms.Mandy Montemayor, panay ka make-up. Gusto ko mo ba lagyan ko din nang pula ang mga grades mo?. Para makulay?” Ani nito nang masulyapan niya si Mandy habang nag bblush on.
Napatingin din ako kay Mandy.Nakabusangot ang mukha niya habang nililigpit isa-isa ang mga make-up na nasa desk niya. Luminga linga pa si Miss.Casta halatang nag hahanap ng masisita. Well kaya siya ganyan samin dahil kami ang 4-E. Kami ang pinaka-huling section nang senior dito Forester Academy. All in one din ang section namin.Dito sa Forester ang pinaka-matalino nasa unahan at ang pinaka mahina at pasaway ay nasa hulian. Sabi nila ang section daw namin ay pugad ng maarte , mayayabang , mahihina at ang mga pinaka magulo at pasaway na estudyante sa Forester.
Nang bumalik na sa pag tuturo si Miss.Casta ay balik narin sa mga kanya-kanyang pinag gagawa ang mga classmate ko. Mahilig kasi mag sulat ‘to sa board kaya naman nakalikod siya samin madalas. At ako nandito sa likuran nag ssoundtrip. Wala ako’ng katabi dito sa likod tanging bintana lang ako palagi ko’ng kasalo. Nasa kabilang side ‘yung mga lalaking pinaggalitan ni Miss.Casta.
Nang mapansin ko’ng malapit nang malowbat ang cellphone ‘ko ay kaagad ko’ng pinatay ang tugtog. At nanatili lang ang earphones ko sa tenga. Biglang tumingin si Mica sakin. At nang makita niyang naka headset ako ay tumalikod nadin, nasa unahan ko siya nakaupo. Pinag mamasdan ko lang siya habang nakatalikod sakin. Bigla niyang kinalabit ‘yung katabi niya si Reese.