Chapter 3.
“S-sino ka?” Gulat na sambit ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
“Diba dapat ikaw ang tanungin ko? Ano’ng ginagawa mo dito?” Pilosopong tugon naman nito habang nakangisi.Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. At nagulat ako sa napansin ko.
‘F-FA Student?’
Nagulat ako sa suot niyang uniform. Boys Uniform ng FA. Napalinga ako sa paligid kung mayroon ba itong kasama. Nang mapagtanto ko na halos kami lang pala dalawa ang nandito ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi nalang ako sumagot at tinalikuran ko siya. Nanitiling nakatuon ako sa sugat sa dalawang siko ko.
“Shhhhh, ang hapdi” Bulong ko sa sarili ko. At tuloy-tuloy lang ang lakad ko ang dulo kasi nang street na ‘to ay highway na.
“So,Yassi Gonzaga? Hmmm,Nice name! Oh Class 4-E ”
Habang nag lalakad palayo narinig ko na binanggit niya ‘yung pangalan ko kaya naman nilingon ko siya ‘yung lingon na takang-taka. Nakita ko siyang may hawak na maliit at ang nakapukaw nang atensyon ko ay ‘yung ID Lace pamilyar. Agad ko’ng kinapa sa dibdib ko ‘yung id ko.
‘Hala.’ Nanlaki ang mga mata ko na wala ako’ng mahawakan na ID sa dibdib ko.
Ibinaling ko muli ang paningin ko sa lalaking ‘yun. Nag madali ako mag lakad papunta sa direksyon niya upang bawiin ‘yung ID ko. Ngunit nakangisi lang ito habang papalapit ako nang papalapit.
“Hoy! Anong nginingisi-ngisi mo diyan ha? Sakin yan, akin na ‘yan!” Matapang na sambit na ko. ( Tapang-tapangan )
Ngunit hindi niya inabot saakin at ang ginawa niya ay palipat-lipat ang tingin niya sakin at doon sa ID picture ko.
“Sigurado kabang ikaw ‘to?” Naniniguradong tanong niya, ngunit nakangisi naman ito.
“Alam ko mas maganda ako sa personal.” Tugon ko sa tanong niya ngunit tumawa ito nang malakas. “Ano’ng tinatawa-tawa mo diyan ha! Akin na ‘yan.”
Nakarinig ako nang kaluskos sa kabilang pader kung nasaan ang FA. Ito ‘yung tunog nang bakal na hagdan. At may narinig ako muling nag salita sa kabilang pader.
“Tignan mo kung andiyan may narinig ako’ng tumawa nagyon lang. Dalian mo at nang maipadala ‘yun sa principal.”
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Kaagad ako napatingin sa lalaking kasama ko dito. Seryoso ang itsura niya alam ko’ng narinig niya din ‘yun. Nag madali ako mag lakad patungo sa lalaki na ‘yun at hinila ang kamay niya.
“Pssssssssssssssh” Senyas ko sakniya. Nag tataka siyang nakatingin sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Tumakbo ako at napatakbo din siya dahil nga sa hawak ko ang kamay niya ‘no choice siya.’
Dito sa likod nang Forester panay talahib na kasing taas na ng tao ang paligid walang bahay o kung ano man na pwedeng taguan. Kaya naman isang salitang ‘no choice’ muli hinatak ko siya sa talahiban. Naramdaman ko’ng hinatak niya ang kamay niya paalis sa kamay ko. Nilingon ko siya nang takang-taka at nang makita ko ang mga mata niya ay nag tatanong ay halos matawa ako sa itsura niya.
“Wag ka mag-alala,hindi kita gagahasain hindi kita type, hahahahha” Sambit ko habang nakatingin sa mga mata niya. Bigla niya naman hinatak muli ang kamay niya kaya naman binitawan ko na.
“Hanapin niyo baka andiyan lang ‘yung estudyante na ‘yun.” Tinig nang isang lalaki. Kaya naman sa pag kabigla ko ay umupo ako at hinatak ‘yung lalaking kanina ko pa hinihila. Kasalukayan kaming naka upo sa talahiban. Hindi kami makikita dito dahil sa taas nang mga damo at sa pag kakatanto ko nasa dulo na kami.