Ang mabait at supportive na si nanay Josie

486 18 3
                                    

Sam's POV

"Nay Josie, andito na po ako!"

"SAMANTHA! Ba't ngayon ka lang umuwi? 9:00 pm na ah! Alam mo bang halos mamatay ako sa kakaisip kung nasan kana?" rap ni nanay Josie. Sandali! Umiiyak si nanay Josie, diyos ko Samantha ang sama-sama mo!

"Nay Josie naman oh. Wag kang umiyak! Okay lang naman ako ah. Please, wag kang masyadong mag-alala. Masama sayo yan!" sabi ko kay nay Josie, habang niyayakap siya.

"Masaya lang ako at nakauwi kana. San ka ba galing?" tanong sakin ni nay Josie. "Natuwa lang kasi ako sa bagong lugar na nadiscover ko, nilibot ko yung lugar kaya di ko namalayan na masyadong late na pala. Sorry ulit nay." pang-iechoss ko kay nay Josie, lord patawarin mo ko kung nagsisinungaling ako.

Hay Naku! Isa sa mga rason si nanay Josie, kaya di ko matanggap-tanggap yung offer ni tanda at ng isang dosenang anghel. BTW, Hindi ko muna tinanggap ang offer ni tanda dahil sabi ko pag-iisipan ko muna, pumayag naman siya, pero dapat daw nakapagdesisyon na ako bukas, dahil sa susunod na araw na ang flight ko pa Korea, kung papayag ako. At ganun lang. Karakaraka din to si tanda ah.

Sabi ni nay Josie na gusto niya munang magpahinga, kaya't maaga naming sinara ang coffee shop, at natulog na rin kami ng maaga.

~:~

Maaga kaming nagbukas nang coffee shop, pero hindi matanggal sa isip ko yung offer sakin ni tanda. Hindi ako makapag-focus ng maayos sa trabaho. Napansin namin agad ni nay Josie, that something is bugging me.

"Sam, may problema kaba?" Calm na tanong ni nay Josie sakin.

"Wala akong problema nay!" napasigaw ako ng konti, nang-gugulat naman kasi din tong si nanay ee.

"Wag mo akong lokohin Sam, kilala na kita. If you don't have any problem then why do you keep sighing and you're so deep in thought ?" pang-iintrega sa akin ni nay Josie. "Talagang walang problema nay, I'm definitely fine!" I reassured her.

"Samantha Cabral, I know you! So please tell me what is the problem?!" Hay naku nay Josie, ba't ba di kita matiis?

Kaya ayun, I spilled all the beans...

"Yun lang ba ? Di naman problema yan ah!" she said, while giving me a smile. "Malaking problema yun nay!" sabi ko sa kanya.

Hinawakan ni nanay Josie ang mga balikat ko. "Just go and protect those guys, they need you so so much. You don't have to worry about me, even though mamimiss kita, dapat mo rin silang tulongan. At pwede naman akong mag-hire ng bagong worker para sa coffee shop Sam." sabi sakin ni nanay, with a whole-hearted smile.

"Pero, na---" she cut me off and continued.

"Please Sam. Para sakin, para sa nanay mo at para sa sarili mo. Isipin mo makakapunta kana sa ibang bansa, diba ang saya-saya nun? Please for me, your nanay Josie, do it." at sa sinabi ni nanay, tears started to form in my eyes. I felt it streaming down my face.

"NANAY!" sabi ko, habang umiiyak.

"Please my child, go on. Pero dapat bisitahin mo si nanay ha!" sabi niya and she gave me a hug, I could feel na umiiyak din si nanay. Nag-nod nalang ako.

~~~~~~

AN.

HELLOOWWW :) Nakapag-update na rin ako sa wakas after my busy schedule. ECHOSSS :D

The Girl Who Can See Death... Is EXO's Bodyguard !?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon