Vision

729 36 0
                                    

Samantha's POV

Kakaibang mga bagay ang nangyari mula sa sandaling nagising ako sa pagkaka-comatose, hanggang ngayon. Hindi ko alam kung matatakot ba ako. O, mas mabuting tapusin nalang ang buhay ko.

Ang pagsagip nang buhay ng isang tao ay kahanga-hanga, ngunit kung makikita mo kung papaano sila mamatay ay siguradong nakakatakot.

Alam ng nanay ko ang tungkol dito, na nakikita ko kung papaano mamatay ang isang tao. Sabi niya dapat naming ilihim ito. Ngunit matapos kung makasagip ng maraming buhay, hindi lang ito kumalat sa Pilipinas, ngunit sa buong mundo. Ang galing noh? HINDI!

Maraming kilalang tao ang nag-alok sa akin na bantayan sila kapalit ng malaking sweldo. Ngunit lahat tinanggihan ko. Hindi ko pwedeng iwan ang nanay ko dito. Siya nalang ang natitirang pamilya ko dito sa mundo.

Curious ba kayo kung bakit di ko man lang binanggit ang tatay ko? Sabi ni inay, iniwan niya daw kami para sa ibang babae. Ang ganda ng buhay ko no?

___________________________________________________________

I didn't expect that I would see my moms death, and the fact that I couldn't do anything about it, surely hurts.

Nasa banko siya nung mga panahon na yun, sinusubukang magwithdraw ng pera, para sa mga pangaraw-araw naming pangangailangan. Nasa bahay naman ako nung mga oras na yun.

Habang nanunuod ako nang TV may isang vision na naman ang dumating. Isang babae ang binaril sa ulo ng isang magnanakaw. And dun ko lang narealize na si nanay na pala yun. Unfortunately, 20 minutes walk mula sa bahay namin ang bangko na pinuntahan ng nanay ko. At may 5 minutes lang ako para masagip siya. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa, tumakbo ako papunta ng bangko.

Pero I was too late. Nakatakas ang magnanakaw kasama ang pera na nawithdraw ng nanay ko. At nakahandusay na sa sahig at walang buhay ang nag iisang taong pinapahalagan at mahal ako. I ran to her shaking her and telling her to wake up, that she can't leave me alone, but I can't do anything.

Simula sa araw na yun, nagpasya ako na magpakalayo sa mga tao. Nag-iisa nalang ako. Ang nagagawa ko nalang ay umiyak ng umiyak hanggang makatulog. There's no one I could lean on. And there's nothing else I can do.

____________________________________________________________

Nagpasya ako na magtrabaho sa isang maliit na cafe na pag-aari ng isang byudang ginang.

Dahil ang kanyang asawa ay namatay na nang dahil sa isang aksidente at ang kanyang nag-iisang anak ay may sariling pamilya na rin, inalok niyang manirahan ako sa kanya. Dahil nag-iisa narin ako, tinanggap ko nalang ang alok ng ginang. Para ko na siyang pangalawang nanay, inalagaan at minahal niya ako. Pinamimili ako ng bagay na hindi ko hiningi.

Alam din ni nanay Josie ang tungkol sa vision na to, at sabi niya dapat na ipatuloy ko ang pagtulong at pagsagip ng mga buhay. Siguro si Nanay Josie na rin ang naging dahilan kaya ako nag-pasyang mabuhay pa.

The Girl Who Can See Death... Is EXO's Bodyguard !?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon