Chapter 2 : Meet Byul

51 7 0
                                    

 A/N : Thanks to Yeolum to my new book cover ^_____^

Ouch ! Ang sakit pa din ng ul.

Teka ? Sino yang babaeng nakatayo sa may bintana ? Naka-white uniform siya ? Baka nurse to . Pero grabe naman , andito pa din siya kahit midnight na . 

Lumingon siya . Nananaginip na ba ako ? Ang ganda niya sobra . Sobrang inosente nung mukha niya . Tapos ang haba ng buhok niya . Anghel nga yata ito eh . 

"Ah naistorbo ba kita ?" 

"Ako ? Hindi naman . Ok lang ."

"Ah ganun ba ? ^_______^." ngumiti nanaman siya . Grabe , naiinggit ako sa kanya . Hindi na din kasi ako nakakangiti katulad ng ngiti niya . Parang yung ngiti niya sobrang natural . 

"Ay Miss ? Nurse ka ba ?"

"HAHAHAHA ! Ako nurse ? Hindi ah . Psychology Student po ako . Ayoko ngang maging nurse . Nakakapagod magsunod-sunuran sa mga Doctor ^______^." sabi niya sabay upo sa may bed ko . Tumingin siya sakin . Nagtatanong yata kung pwedeng umupo dun . Tumango na lang ako bilang sagot . 

"Ano nga palang ginagawa mo dito ?" tanong ko sa kanya . Tumitingin siya sa paligid . Ang cute niya . Parang iniinspect yung ward ko .

"Ako ? Dati pa ako dito . Yung tito ko nasa kabilang ward . Binabantayan ko . Ako nga lang nagbabantay sa kanya eh ." sagot niya ng hindi tumitingin saken . Nililibot pa din niya yung paningin niya sa kwarto . 

"Bakit naman ikaw lang yung nagbabantay ? Asan yung pamilya niya ?" tanong ko sa kanya .

"^________^ . Ako nga pala si Byul . Ikaw ?" huh ? Hindi niya sinagot yung tanong ko . Baka ayaw niyang pag-usapan . Malamang Kent personal yung bagay na tinatanong mo eh . Tsk . 

"Ahh . Ako nga pala si Kent . Nice meeting you Byul ?" sabay abot ko ng kamay ko .

"Yes . Byul . B-Y-U-L . Byul . Nice meeting you too . ^_______^ ." sabi niya sabay abot ng kamay ko . Sobrang lambot ng kamay niya . Alagang-alaga siguro ito ng mga magulang niya . 

"Ahh . Byul ^_^ ." 

"Nice ngumiti ka na ulit Moon . ^_______^ ." ano daw ? Tinawag niya akong Moon ? 

"Teka ba't ..." 

"Ahh . Narinig ko lang kasi kanina sa babae . Pwede ko bang itawag yun sayo ?." papayag ba ako ? Pero baka magalit si Cloud . Pero ang gaan kasi ng loob ko sa kanya eh . Sasabihan ko na lang si Cloud bukas .

"Ah sige . Ok lang ."

"Talaga ? THANKS ! Teka bakit ka nga pala nandito ? Anong sakit mo ?"

"Ako ? Ewan ko . Bigla na lang kasing bumagsak yung pangangatawan ko . Ewan ko din kung bakit ." sabi ko . Guni-guni ko lang ba yun oh nakita ko talagang parang nasaktan siya sa nalaman niya ? Bigla na lang kasing nalungkot yung mga mata niya eh . 

"Ganun ba ? Basta magpagaling ka ha ? Please ?" 

"A-ah . Osige . "

"Thanks ^_______^ ."

Pagkatapos niyang sabihin yun tumingin nanaman siya sa buong ward ko . Ano bang problema sa ward ko kanina pa niya kasi tinitingnan eh .

"Hindi ka ba nalulungkot na andito ka sa hospital at nakakulong sa ward mo . Hindi ba nasa bahay ka dati nagpapagaling ? Bakit mo naisipang lumipat dito . Mas maganda sa bahay niyo na lang kasi iba yung ambiance sa hospital ." huh ? Paano niya nabasa yung nasa isip ko ? Mind-reader ba siya ? Teka dba Psychology student siya ? Tsaka bakit niya alam na nasa bahay ako dati nagpapagaling ?

Little StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon