"Doc sigurado po ba kayong wala lang yun ? "
"Yes Mam . Its only blood but hindi sa kanya yun kaya ok po ang lahat . Siguro nakuha niya lang yun sa kung saan . Pero hindi ko alam kung saan . "
"Thanks Doc . "
*blink* *blink*
"Oh Mommy bakit po ? Ano bang nangyari ? Ang aga-aga pa eh . "
"Ah anak kasi kanina pagkadating ko may dugo yung pisngi mo kaya ayun tinawag ko kagad si Doc akala ko kasi kung ano na yung nangyari eh . "
Huh ? Dugo sa pisngi ko ? Saan ko nakuha yun ? Hindi naman ako naumpog ah . Tsaka kausap ko lang si Byul kagabi . Hindi naman kami nagbatuhan ng kung ano-ano para mag-dugo yung pisngi ko . Baka naman sa lamok lang yun galing .
"Ahmm anak wala yun . Sabi ni Doc baka kung saan mo lang yun nakuha . Osige magpahinga ka muna ulit baka kasi naistorbo kita sa pagtulog mo . Mamaya ka na lang kumain ha . "
"T-t-tita , k-ka-kamusta po si ... MOOOOON ! *hugs* akala ko kung ano na nangyari sayo . " si Cloud . Grabe talaga itong babaeng ito . Basta pagdating sakin kahit ano pa yung ginagawa niya iiwan niya para matingnan lang kung ok ako . Katulad ngayon mukha nga siyang hinabol ng aso . Paano naman kasi nakapadjama pa siya tapos yung isa niyang tsinelas wala na . Meron pa siyang konting bula malapit sa labi niya . Kakatapos lang niya yatang magtoothbrush . Tapos yung buhok niya gulo-gulo pa . Minsan naaawa na ako sa kanya . Lagi na lang kasi niya akong iniintindi . Pero sa kabilang banda , gusto kong ganito siya sa akin . Yung pinapakita niya talaga kung gaano ako kaimportanteng kaibigan para sa kanya .
"Ok lang ako . Grabe ka Cloud , kung makayakap ka sakin parang mamamatay na ako . Tsaka wala ka pa kayang ligo .*hampas* Aray ko naman Cloud ang sakit ha . Joke lang naman na hindi ka naligo eh . Ano ka ba naman ? "
"Hindi ka mamamatay ! Dba may pangako pa nga tayo sa isa't-isa ? Walang iwanan ok ?!! Tumupad ka sa usapan . Nakakaasar ka naman eh . "
"Hala ? Ano ka ba Cloud ? Hindi ako mamamatay . Wag ka nang umiyak jan . Mommy tulungan mo nga ako dito . "
"Bahala ka jan . Pinaiyak mo yan si Cloud eh . Sige labas muna ako . "
Ano ba naman ito si Mommy ayaw ako tulungan . Eh mahina nga ako dito eh . Ang daming umiiyak ngayon ah . Kanina si Mommy tapos ngayon naman si Cloud . Tapos ako pa yung dahilan kung bakit sila umiyak . Nakakaasar naman oh .
"Cloud , hindi ako mamamatay ok ? Tsaka hindi ko makakalimutan yung promise natin . Ako at si Cloud ay hindi magkakahiwalay kahit kailan . Dba ? ^_____^ "
"M-m-moon .... "
"Oh bakit ? "
"N-ngumiti ka na ulit . "
"Huh ? Bakit ano naman ..."
"*hugs* Ngayon na lang ulit kita nakitang ngumiti . Dati lagi akong nagpapatawa pero kahit ni isa sa jokes ko hindi ka tumatawa ni ngiti hindi mo magawa . Pero ngayon ngumiti ka na . Namiss ko lang yung ngiti mo . Ngumiti ka na lang lagi ok ?"
"Opo Cloud . Ngingiti na ulit ako para sayo . ^_____^ "
"Talaga ? Mabuti naman \^____^/ "
"Bati na tayo ha ? "
"Opo basta wag mo akong iiwan tsaka ngumiti ka na palagi ok ?"
"Opo . Nga pala may ... "
*"Wag mong sasabihin na nakita mo ako ngayon . Magagalit sila sakin eh ."*

BINABASA MO ANG
Little Star
SpiritualIt all started with a promise . A promise that is meant to be broken , broken by the destiny . Pinaglalaruan kayo ng tadhana at sinasabi nitong hindi talaga kayo para sa isa't-isa . Anong gagawin niyo ? Pababayaan niyo bang magkalayo kayo o gagawa k...