A/N :
Ihhhhh ! HAHAHAHA ! First Short story ko po ito kaya sana magustuhan niyo . ^______^ . Pi-nost ko na yung first part . Yun lamang . Enjoy reading :D
~
*Tok-Tok-Tok*
"Moon ? Gising ka na pala . Kamusta ? Kahapon buong araw kang tulog eh . Narinig mo ba ako kahapon ?"
"Talaga ? Hindi kita napansin kahapon eh . Sorry Cloud ."
"Ok lang yun Moon ^____^ Kamusta pakiramdam mo ? Kumain ka na ba ?"
"Ok na ako . Ikaw ba naman matulog ng buong araw kahapon dba ? Hindi pa din ako kumakain kakagising ko nga lang eh ."
"Talaga ? Nagising ba kita ? Nako , sorry huh ?"
"Ok lang . Mabuti nga yun nagising ako eh ."
"Soooo . Anong plano mo ? Ang tagal mo na dito ah . Halos 1 year ka na sa kwartong ito at hindi lumalabas . Hindi ba sumasakit likod mo ? Lagi kana lang nakahiga at naka-upo jan . Tsaka hindi ka ba naaasar jan sa dextrose na nakakabit sayo ? "
"Ewan ko . Hindi ko din alam eh . Tsaka sabi ni Mommy ibabalik nila ako sa hospital kasi mukhang hindi daw nagiging maganda kung andito ako sa bahay nagpapagaling . Kaya for sure tatagal pa akong nakahilata pero sa hospital bed naman ."
"Hayss . Moon magpagaling ka na oh ? Kumain ka ng marami tsaka yung gamot mo wag mong kakalimutang inumin ok ? Osige balik nalang ako bukas huh ? Ingat ka ." sabay kiss ni Cloud saken sa noo .
"Osige ingat ka ."
*Slam*
"Ay Moon balik pala ako mamaya ah . HAHAHAHA . Pero babalik din ako bukas . Ge Ciao !"
Nagulat naman ako dun kay Cloud . Nakakatuwa siya . Isang taon siyang hindi nag-sawang magpabalik-balik sa amin para lang hindi ako ma-bored dito sa bahay . Hayss . Isang taon na din pala . Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito . Basta nagising na lang ako isang araw parang may kulang sa akin . Yung para bang may nawala . Pero hindi ko alam kung ano yun . Tapos hanggang sa tinamad na akong mabuhay . Ewan ko nga ba . Hindi ko nga maipaliwanag eh . Minsan may napapanaginipan akong isang babae . Sa panaginip na yun ang saya namin . Pero hindi ko siya kilala . Hindi ko rin makita yung mukha niya . Hindi ko alam yung pangalan niya . Naguguluhan ako . Parang totoo lahat nung mga nangyayari sa panaginip ko . Kaya nga mas gusto kong natutulog . Nung nakaraan nga 2 buwan akong nakatulog . Hindi ko din alam kung bakit naging ganun . At hindi ko din alam kung ano yung napanaginipan ko . Basta nagising na lang ako kasi narinig ko silang nagiiyakan tapos si Mommy sumisigaw na tumawag daw ng ambulansya . Hayss . Ang kumplikado ng buhay ko .
"Sir Kent . Ito na po yung pagkain niyo . Kumain po kayo ng madami Sir para lumakas na po yung katawan niyo ."
"Ah sige po Ate Elsie . Paki-lagay na lang po jan sa lamesa . Thank you po ah . Kumain na din po kayo ha ?"
"Ay nako Sir kumain na ako kanina pa . Ikaw po ang kumain jan . O siya baba na ako at may aasikasuhin pa ako ."
"O sige po . Ingat po kayo sa pag-baba."
Naguguluhan ba kayo ? Ako nga pala si Kent Ramos . 19 yrs. old . Home schooling ako dahil sa kalagayan ko . Pero ngayon tinigil ko na . Tinatamad na din kasi ako . Tawag sakin ni Cloud , Moon . Ewan ko kung bakit ganun yung tawag niya sakin . At gusto niya siya lang ang tumatawag sa akin ng Moon . Nagagalit siya kapag may tumatawag sa akin ng ganun na ibang tao.
**
"Sir Kent . Alis na daw po tayo sabi Maam."
"Osige po . Sunod na lang po ako sa baba ."

BINABASA MO ANG
Little Star
SpiritualIt all started with a promise . A promise that is meant to be broken , broken by the destiny . Pinaglalaruan kayo ng tadhana at sinasabi nitong hindi talaga kayo para sa isa't-isa . Anong gagawin niyo ? Pababayaan niyo bang magkalayo kayo o gagawa k...