tinapon ko na ung upos ng sigarilyo ko at tinawagan ang mga kasamahan ko ...
*oh ? anong nangyari ?*
"naknamp*ta, wag mo nang itanong. may bwisit na umeksena eh ... kala mo kung sino !" nasira ung strategy ko ... kailangan ko nanaman magplano ng isa pang approach para makausap mag-isa si rielle ... kailangan wala nang sagabal ...
*ano ba naman yan nathan ! sabi mo malaki kikitain natin sa raket na toh ?! pano na yan ! wala ka pang nasisimulan !*
"maghintay ka lang, ako pa ?" tumawa sya ...
*sige, panindigan mo yan. ayus ayusin mo lang ah .."
"oo, sisiguraduhin kong luluha ng dugo ang pamilya nila ..." binaba ko na ung cellphone at naglakad na ko palayo ... gaganti ako , kinuha nyo lahat sakin dahil sa isang maliit na pagkakamali, dahil sa inyo namatay ang mama ko, dahil sa inyo nalulong sa droga ang tatay ko at ayaw na nyang mabuhay, dahil sa inyo ... nadurog ang mga pangarap ko ... kinuha nyo lahat ... ngayon ako naman . I'LL TAKE YOUR EVERYTHING AWAY ... I'LL TAKE HER AND LEAVE NOTHING FOR THE SECOND TIME AROUND ... tignan natin kung sino ang matitirang matibay ...