CHAPTER FOUR

58 2 1
                                    

Habang nagdadrive kami papunta sa family house. SIYA ANG NASA ISIP KO. Kahit sa pagtulog. SIYA PADIN. Iniisip din kaya niya ako? Pero pano naman niya ako maiisip, eh naaksidente nga siya. Siguro di na din niya ako maalala. Sayang, di ko na ulit makikita si kuya. Pero kahit papano, once in my life naging bayani ako at.. Naovercome ko yung fear ko sa dugo.

| PAGDATING SA FAMILY HOUSE |

"Nissa! Sam! Okay lang ba kayo?" Salubong nilang lahat samin.

"Okay lang po kami." Sabi kong matamlay. Hindi ko alam pero feeling ko ang laki ng kulang sakin. Mixed emotions. Parang nanghihinayang na nalulungkot na naiinis na basta. Nanghihinayang kasi, kung kelan nakakilala ako ng poge, may girlfriend naman. At di lang basta girlfriend, 4 years din yun ah. Tas nalulungkot kasi hindi ko na ulit siya makikita. Kami lang naman kasi nagdala sakanya sa hospital. Tas naiinis kasi, hindi ko man lang nakuha pangalan at apilyedo niya. Edi hindi ko man lang siya ma-a-add sa FB. Ay bwiset! Kahit dun man lang mastalk ko siya.

"Oh eh bat parang ang tamlay mo?" Sabi ni tita sakin. "Pagod lang siguro tita." Sabi ko naman. "Osiya, kain na kayong dalawa nang makapagpahinga na kayo." Tas kumain na kami ni sam. Tas nagshower na tas tabi na kaming humiga ni sam.

Ayy, ako nga pala si Annisa Adriano. Nissa. Kaka- 18 ko lang this summer. Tas etong katabi ko naman si Sam. Pinsan ko. 15 naman siya. Kahit ganito na kami katatanda, magkatabi padin kami si isang bed kasi walang malisya kahit girl ako tas boy tong batang to. Alam naman kasi nilang isip bata talaga kami atsaka kami yung magkasunod talaga sa generation namin kaya para na kaming magkapatid. Kaya nga confid-- "Ate nissa, crush mo yung kanina no?" Biglang tanong ni sam. Enebeyen! Di pako tapos magkwento eh.

"Yun lang, oo. Kaso may girlfriend ngay. 4 years na sila. Diba? Ang saklap lang?" Sabi ko naman. "Yaan mo na ate, makakalimutan mo din yun, di na din naman kayo magkikita. Atska isa pa, nanliligaw naman na sayo si Kuya Xander. E diba siya yung crush mo since highschool pa kayo?" Sabi naman niya. "Eh oo. Pero yung ngayon. Si ngayon, iba eh. Parang nalove at first s--" CLICK! [Biglang nag- on yung ilaw]

"Tama na yang kwentuhan niyo, matulog na kayo at napagod kayo maghapon. Sige na mga anak." Sabi ni lola. Tas pinatay na uli niya yung ilaw. "Ano kamo ate?" Sabay siko sakin ni sam. "Wala! Basta yun! Tara matulog na tayo! Night takoi!" Tas kiniss ko na siya sa forehead.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon