CHAPTER TWELEVE

6 0 0
                                    

Kagabi sinundo na kami ni ninong. Buti di na nagising si drew nung paalis na kami kundi baka nahirapan nanaman ako umalis kung sakali kasi ilang pangaamo nanaman gagawin ko dun. At heto nanaman kami papunta ng hospital.


Pagdating namin dun.. May naabutan kaming isa pang babae bukod sa maid nila. Maganda, maputi din siya pero mas matangkad lang ako. Palagay ko, eto na yung 4 year girlfriend niya.


"Drew! Hindi mo ba talaga ako naalala. Ako si Trisha."

"Sorry, pero sino ka ba?"

"Drew, I'm your girlfriend."

"Girlfriend? Sorry pero di kita kilala."

"Drew, alam ko galit ka. Alam ko may kasalanan ako sayo pero hindi mo naman ako kelangang tratuhin ng ganito."

"Anong ganyan? Sorry miss. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi mo. Baka naman nagkakamali ka ng room na napasukan."

"Yan! Ganyan! Yung kunwari di moko kilala!"


Narinig ko nang humagugol yung girl sa loob mg room. Rinig kasi namin sila hanggang sa sala eh. Eh kung wala pang makekeala baka magsuicide na sa loob yung babae kaya naman pumasok na ako sa loob.

"Excuse me miss, di pa kami tapos magusap dito. Bat ka ba bigla biglang pumapasok, mukhang di ka naman nurse kasi wala ka sa proper uniform so state your business here." Aba. Ang yabang ng pagkakasabi ah. Keganda ganda, keyabang yabang naman.

"Ah, ako pala si Yanie, kami yung nagdala kay drew dito nung naaksidente sila ng pinsan niya."

"So?" Anong so-so ka diyan! Sowlotin ko yang boyfriend mo eh! JOKE.

"Umm. Kung di pa nila nabanggit sayo, nagkaamnesia si drew kaya wala siyang maalala except sa family niya kasi narecognize niya."

"What?! Hindi pwede! Bat ngayon pa?! Ikakasal na kami ni drew within 3 months! Kakapro-pose niya lang! Bat pa nangyari to!" Mangiyak ngiyak na sabi ni trisha.

"Babalik naman daw po yung memories niya basta bumalik siya sa way of living niya. Tru niyo po siyang samahan araw araw tas gawin niyo po yung madalas niyong gawin. Simulan niyo na po ngayon." Sabi ko naman. Cheerful pero hindi. Ansakit lang kasi engaged na pala sila tas ano ako, NGA NGA nalang ganon. Tss. Makapagpaalam na nga lang tutal andito naman na yung original na tagapagalaga. Pirated lang naman ako eh.

"Basta yun, basta gawin niyo lang ulit yung madalas niyong gawin non. Sige ho, kayo na ho bahala kay drew. Una na po kami ng pinsan ko." Pagkatapos kong magpaalam nagsimula na akong maglakad.

"Yanie~~ wait! San ka pupunta?"

"Uwi na kami ng pinsan ko. Ay siya nga pala nakasalubong ko yung doctor mo kanina. Makakalabas ka na daw pala ng hospital today. Inaantay lang nila dumating parents mo mamaya. Kaya recovered ka na, kaya pwede na kaming umalis. Sige ha? Wag na sana maulit." Tas tumalikod na ako tas naglakad na.

"Yanie, wai--"

Ayoko nang marinig na pigilan niya akong umalis. Masyado nang mabigat para sakin. Ayoko na ng ganitong sitwasyon. Kaya naman sinara ko na yung pinto tas tinawag ko na si sam tas nagpaalam na kami. Pagkalabas namin ng door.

"Ate, pano ba yan? Wala pa si dad? Mamayang 9 pa tayo susunduin. May 5 oras pa. San tayo ate?"

"Tara kain muna tayo?"

"SIGE ATE!" :D

"Uh! Loko! Basta pagkain ang bilis mo! Kaya ang taba taba mo na oh!"

"Eh san tayo kung sakali ate? Gusto mo ba bisitahin naman yung pinsan ni kuya drew? Di mo pa ata siya nakita eh." HMM~~ oo nga. Pinsan ni drew. Nakuuuuu! Baka.. POGE DIN! Sana nga lang walang sabit!

"SIGE TARA!" :D

"Uh! Loka! Basta pag lalake ang bilis mo! Keh landi landi neto!"

A-A-ARAY! Makalandi naman tong batang to! Paminsan lang naman! GRAVITY!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon