CHAPTER FIVE

38 1 0
                                    

Four days na nakalipas. Hindi ko padin talaga makalimutan yung kilig na nararamdaman ko kapag naiisip ko kung papano niya ipress yung palms ko. Yung ayaw niya akong paalisin at gusto niyang makasama ako sa emergency room. Basta, di ko siya makalimutan. Hanggang ngayon, iniisip ko padin yung perfect face niya kasi kahit may mga bruises litaw padin yung handsome face niya. Kamukhang kamukha niya talaga si Jerome Ponce [Luke sa Be careful with my heart] Pramis!

FLASHBACK

Andito na kami sa hospital. Kelangan ko na siyang bitawan. Pano na 'yan? 'Di ko na ulit siya makikita. Naluluha na ako kakaisip.

"Kuya, bababa na ako ha? Magpapagaling ka at sana kapag nakarecover ka nang tuluyan, hindi na 'to mauilit. Ingat ka parati kuya. Good luck." Tinapos ko na dun dahil baka tumulo na luha ko ng tuluyan.

Bababa na sana ako pero nagulat ako, yung kamay ko. Hindi ko maalis sa kamay niya. Ang higpit ng kapit niya.

Tumingin ako kay ate nurse, "Ate?"

"Sama ka na sa emrgency room. Feeling ko gusto ka niya sumama."

Tinignan ko yung guy. "Gusto mo ba akong sumama?"

Kakaiba naramdaman ko nung priness niya kamay ko.

The operation went for a while. After nun sinabi na mung doctor na okay na siya. He's undergoing recovery stage already. THANK GOD.

END OF FLASHBACK

"Ate Nissa. Si kuya xander nagtext. Sabi niya ate, namimiss ka na daw niya. Matapos lang daw business affair niya sa maccau. Ikaw daw agad niya pupuntahan." Sigaw naman ni sam. Ako kasi nasa sala, siya sa kitchen. Kumakain habang gamit iPhone ko. Baka gamit niya yung Line na App.

Isa pa yang si xander. Hala. Patay na patay ako sakanya since highschool pa kasi siya ang Mario Maurer ng campus. Keputi puti. As in hawig sila. Pero siya pure filipino, kutis mayaman lang talaga. Haha. Kaso nagaral na siya sa manila nung college kami tas ako sa Baguio naman. SLU ako, siya Ateneo. Tas ayun, nagwowork na siya sa company nila nang bigalang one time nagulat ako, kaklase ko siya sa isang subject namin. Tas ayun, nagenroll lang siya to get closer to me. Umamin siya na crush niya din ako nung highschool pa kami. Nawalan lang ng chance kasi nagtre-training na siya nun para maging vice president ng company nila. Syempre ako naman, I said yes when he asked me kung pwede ba siyang manligaw. Pero ngayon-- bat ngayon?? Hindi ko alam. Siguro effect lang to kasi malayo kami sa isa't isa. Babalik din yung excitement ko sakanya kapag bumalik na siya galing maccau.

"Anissa, sam. Bihis kayo. May pupuntahan tayo." Biglang sabi ni ninong. Eh san nanaman kami pupunta?? Di pa kami nakapagpahinga may pupuntahan nanaman. No choice. Nagshower na kami tas nagpalit tas sumakay na sa sasakyan.

Nagearphones ako habang nasa daan. Wala pa ngay akong pahinga. Triny ko matulog, at nagtagumpay naman ako. Bigla akong nakatulog.

"Ate Nissa, andito na tayo. Gising na." Yugyog sakin ni sam. Ngulat ako, bat nasa hospital kami? "Si ninong?! Asan si ninong?! Anong ginagawa natin dito?!" Natataranta kong tanong. "Si dad, bumili lang ng foods sa canteen, may bibisitahin daw tayo eh." Paliwanag ni sam. Tas nakita namin si ninong sa labas ng sasakyan sumesenyas na baba na raw kami kaya bumaba na kami tas sumunod kami sakanya.

Maya maya, huminto kami sa harap ng pinto na room 407. Teka. Paramg pamilyar.

"Ay ati! Anditu na pu yung bisita natin!" UY! Pamilyar yung boses na yun ah! Boses nung kasama nila sa bahay..

KUYA TFAH! :D

"Mr. Bareng, thank you for granting our request." Salubong samin ng mommy ni kuya TFAH. "No need to mention it Mrs. . Basta ang importante bumilis ang recovery ng son niyo." Sabi naman ni ninong. "Come, let's sit first." Sabi ng dad ni kuya TFAH Yung totoo?? Hospital to o hotel?? Ang sosyal ng kwarto. May sariling computer unit at Mac pa ang PC. May sariling dining area, living room at ang banyo sosyal, nakashower at heater. Hotel to eh! Niloloko niyo kame! Tas pagkaupo namin. Sinerve-an kami ng maid nila. BET NA BET!

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon