Chapter 7.

499 17 0
                                    

Date Published: August 23, 2016
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 7.

RIDER'S POV

Nasa mall kami ngayon ay nag-iikot. Kanina pa may tinuturong babae sa'kin sila Mikael pero hindi ko pinapansin o nilalapitan.

"Sige na kasi, Ride!" Tinulak ako ni Mikael pero hindi ako nagpatinag. Bahala sila diyan. Wala akong oras para magsayang sa ibang babae.

"Paano ka makaka-move on kung hindi ka maghahanap ng iba?" Tanong ni Sheanne.

"I have my own way in moving on. 'Wag niyo na akong pilitin pa." Sagot ko at naglakad na papunta sa bilihan ng candy.

Hindi ko na sila pinansin pa kahit na pinipilit nila akong lumapit sa ibang babae na nakikita nila.

~~~~

Nabyahe na ko pauwi nang tumunog na naman ang cellphone ko. Sinagot ko 'yon habang nakatingin sa kalsada.

"Ride, punta ka sa bar mo. Inom tayo." Agad niyang binaba ang tawag at pumunta ako sa bar. Gusto ko rin namang uminom.

I still can't forget Kiel. She's my first love and she'll be forever my first love. No one will replace her in my heart.

~~~~

Pagkarating ko sa bar ay hindi ko nakita si Mikael. Nasaan kaya 'to? Kinuha ko 'yung cellphone ko at tatawagan na sana siya nang nakita kong nag-text siya.

Tulad ng sinabi niya ay tinawagan ko 'yung number na sinabi niya at nagulat ako nang iba ang sumagot.

"Hello, is this Xanxus? Sabi ni Mikael ay we're going to know each other para naman makalimot ka." Napa-iling na lang ako.

Lumabas na ko mula sa bar at binabaan 'yung babae. Lagot sa'kin 'tong si Mikael 'pag nakita ko ulit. Sumakay na ko sa sasakyan at umuwi na sa bahay.

~ 9 PM ~

THIRD PERSON'S POV

"Walangya talaga. Hindi sinipot ni Ride 'yung babae. Sayang effort." Napakamot ng buhok si Mikael at umupo sa tabi ni Sheanne.

"Sabi ko sa'yo eh, hindi magandang idea 'yan. Sa tingin mo ba talaga ay sisiputin ni Xan 'yung babae?" Tanong naman ni Sheanne.

"Alam mo naman 'yon, hindi basta-basta natigin sa ibang babae 'yon mas lalo na kung mahal niya pa rin si Eliza." Dugtong pa nito.

Napabuntong hininga si Mikael nang narinig niya 'yon. Tama naman kasi ang sinabi ni Sheanne kaya alam niyang wala siyang magagawa.

"Hayaan na nga lang natin. Magmo-move on din naman 'yon ng kusa. Suportahan na lang natin." 'Yon na lang ang sinagot ni Mikael.

"'Yon naman talaga ang kailangan ni Xan ngayon, babe. Suportahan na lang natin siya at 'wag na natin siyang pilitin na gawin 'yung isang bagay na ayaw niyang gawin." Sagot ni Sheanne.

Niyakap ni Mikael si Sheanne at ginawa na ulit nila ang assignment nila na binigay ni Blade bago pa nila ito makalimutan.

~ NEXT DAY ~

RIDER'S POV

Nagising ako nang may dumidila sa mukha ko at nakita ko sila Snow White. Inalis ko silang apat sa mukha ko at umupo sa kama.

Tumingin ako sa kanila at hinalikan sila sa ulo. Medyo lumalaki na ang mga ito. Mabuti naman at lumalaki sila ng tama.

"Good morning, kids." Bati ko. Simula nang namatay si Kiel ay tinuring ko na sila bilang anak. Kaya mahal na mahal ko ang mga pusa na 'to.

His Unforgettable Love (HOP Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon