Date Published: February 17, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020EPILOGUE.
RIDER'S POV
Gabi na at tinawagan ko si Anver. Sana nga lang ay hindi siya busy o wala siya sa klase kundi lagot na naman 'yon sa masungit niyang professor.
"Hello, Xan? May nangyari ba?" Tanong niya agad. "Nothing. I just want to tell you that bukas na ang trial ni Angelo." Pagbalita ko.
"What?! Seriously?!"
"Yep. Finally, we can put him in jail." Nakangiting sagot ko sa kaniya. "Oh my god. Sa wakas. Buti naman." Halata sa boses niya ang tuwa.
"'Wag niyo siyang hayaang makatakas pa, Xan. Kailangan niyang mabulok sa kulungan dahil sa sobra na ang ginawa niya kay Kiel."
"'Yan ang plano nami nila Mr. Lee. Kaya babalitaan na lang kita 'pag natapos na ang trial. For now, mag-aral ka muna." Sabi ko.
"Okay, sige. Bago ko pa makasalubong ulit 'yung professor na 'yon." Natawa ako ng onti at hindi siya tinanong tungkol sa professor na 'yon.
"Sige. Ingat at baka sungitan ka na naman. Bye na." Paalam ko at tinapos na ang tawag. Napatingin ako sa humawak sa t-shirt ko at nakita ko si Ensley.
"Daddy, let's sleep na po." Tumango ako at kinarga na siya sa para maihiga sa kama. Inayos ko na ang kumot niya.
Kinarga ko na din sila Snow White para patulugin sa sarili nilang kama at humiga na ko sa tabi ni Ensley para matulog na.
(Note. Hindi po ako masyadong pamilyar o ma-alam sa mga court trial so, if may mali, pakisabihan na lang po ako. Saka dahil diyan, i-skip ko po karamihan para hindi masyadong dumami ang mali ko. Thank you.)
~ NEXT DAY, 9 AM ~
Nandito kaming lahat ngayon sa korte at nasa harap namin si Angelo na masamang nakatingin sa mag-asawang Lee.
Pumasok na ang judge sa loob at pumwesto sa gitnang bahagi ng kwarto. Nasa harap na din si Phinraite at kinausap siya ni Renziel kagabi tungkol sa kaso.
"All rise." Tumayo kaming lahat. "The court is now in session." Pagkaupo ng sa judge ay nagsi-upuan na din kaming lahat.
Katabi ko sila Sheanne, Blade, Mikael at ang mag-asawang Lee. Iniwan ko na muna si Ensley sa bahay dahil ayokong isama siya dito.
Sinimulan na ni Phinraite ang pag-presenta sa mga ebidensya at napansin kong masamang nakatingin sa'min si Angelo.
"Xan, ang sama ng tingin niya sa'tin." Bulong ni Sheanne. "Hayaan mo siya. Makukulong din naman 'yan." Sagot ko.
"Here's the evidence that can claim that Angelo is the one who ordered to kill Ms. Kiel Elizabeth Lee." May pinakita si Phinraite sa monitor.
Pinanood niya ang video at pinlay ang voice record. Nag-ingay sa buong kwarto at pinukpok ng judge ang gavel niya.
"Order in the court." Sabi nito at tumahimik naman sila. Sinenyasan niya si Phinraite para ituloy ang ginagawa nito.
Pinagpatuloy ni Phinraite na ipakita lahat ng mga ebidensya hanggang sa matapos siya.
~~~~
Pinag-uusapan na ng mga prosecutor kung ano ang hatol nila. Hindi ako mapakali dahil sa baka may kakampi si Angelo sa kanila.
"Paano kung may kakampi si Angelo sa kanila?" Tanong ko. "Then, we're fucked up." Sagot niya at napabuntong hininga ako.
"Hindi talaga pumunta si Rebecca?" Tanong ni Mikael. "Wala naman tayong magagawa kung ayaw niyang makita si Blade." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
His Unforgettable Love (HOP Series #4)
Ficção Adolescente"Moving on is the hardest part of letting go." After the death of his first love - Kiel, he told himself that he's not going to fall in love again with another girl as his punishment to himself. He's blaming himself for the sin that he didn't do - t...