CHAPTER 1

39 1 0
                                    

DANIELLA's POV:

"Please... don't... don't leave me! Don't do this to me! Please, Michael, I'm begging you! Alam kong mahal mo ko! Nagmamahalan tayo!" Hagugol ko sa harapan niya habang nakaluhod at nakayakap sa kaniyang mga binti.

"Get off me! I don't need you! And... I don't love you! Get it?! The courtship, our... our relationshit! That was just a show! A bet! All of those were planned by me and my friends!" Sigaw niya habang pilit akong kinakalas sa kanyang binti. I feel stupid. Very stupid to still beg for his love. But I don't care. I love him. And I will do everything just to win him back again. To bring back what we have started.

"No! No! That's not true, Michael! You're just saying those shits dahil... dahil..." hindi ko matapos ang sasabihin ko. Bakit nga ba niya sinabi sa aking walang katotohan na minahal niya ako? Ano nga ba ang rason niya? Bakit?

"Nagsisinungaling ka... nanaman sa akin!"  Pagpapatuloy ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa binti niya. Isinandal ko ang aking noo doon at humagulgol ng pagkalakas-lakas.

"Please, baby... Tell me that you will not break-up with me... Tell me that you won't leave me... Tell me that you still love me... Please, baby, I wanna hear those words from you... Please..." mahina kong sabi na sapat lang para marinig niya. Tiningala ko siya at laking gulat ko na lang ng buong pwersa niya akong itinulak. Malakas ang pagkakasalampak ko sa basang semento dulot ng ulan. Kung hindi ko pa nga siguro naitukod ang aking dalawang kamay sa aking likuran ay baka nabagok na ako.

I cried.

Ang sakit. Para akong isang bagay lang na matapos pagsawaan ay basta-basta na lang itatapon. Matapos gamit-gamitin ay bigla-bigla na lang ibibigay. Sobrang sakit. Pero titiisin ko para sa taong mahal ko. Martyr na kung martyr.

Dinuro niya ako. Kitang-kita ko ang mabilis na pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib, ang nag-aalab niyang mga mata na deretsong nakatingin sa akin, at ang nag-iigting niyang panga sa galit. Kung bakit siya galit na galit sa akin ay hindi ko rin alam. Basta na lang nangyari ang lahat ng ito. At hindi ako makapaniwala. Hindi talaga. Dahil kahapon lang, masaya kami. Pero ngayon--

"Shut the fuck up! I don't love you! I didn't love you! Because I will never love you! Hear that, huh?! You are nothing to me! Just a past time! Ok?! Maliwanag na ba sa'yo?! O hindi pa rin?" Mariin niyang sabi pagkatapos ay pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang basang buhok. "You know what? This is just a waste of time! You are just wasting my fucking time! I'm going. My girlfriend needs me." Iyon ang huli niyang sinabi pagkatapos ay sumakay siya sa kanyang sasakyan, hindi alintana ang basang-basa niyang katawan.

Pero teka... Girlfriend? Last time I checked, ako ang girlfriend niya. Sino ang tinutukoy niya?

Muli akong napaiyak sa isipang totoo ang mga sinabi niya. Na kailanma'y hindi niya ako minahal. Na palabas lang ang panliligaw niya sa akin. Na ang lahat ng nangyari sa amin ay dahil sa pustahan lang. Na libangan niya lang ako.

Mas lalong lumakas ang iyak ko. Hinayaan ko na lang ang aking sarili na nakasalampak sa gitna ng basang kalsada. Wala na akong pakealam kung magkasakit man ako dahil sa pagbababad ko sa malakas na ulan. Walang-wala iyon sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Sa sobrang sakit, pakiramdam ko'y namamanhid na ang aking katawan.

Kaya ng makaaninag ako ng isang sasakyan na papalapit sa kinaroroonan ko ay hindi na ako makagalaw. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata at tanging malakas lang na buhos ng ulan at busina ng palapit ng palapit sa aking kotse ang naririnig ko. Mas mabuti na 'to. Ang mawala ako.

*Beep! Beep!* *Screeeeeeeech!*

"A.........nd, cut!" Sigaw ng direktor na siyang nagpatigil sa amin. Pinatay ang hose na naglalabas ng tubig kanina, para magsilbing ulan sa eksenang ginawa namin. Mabilis ding pinahinto ang sasakyan para hindi ako masagasaan.

Tumayo ako. Agad akong dinaluhan ng mga staff at binalot sa akin ang isang malinis at tuyo na puting tuwalya. Inabutan din nila ako ng kape na agad ko namang kinuha at ininom.

"Thanks." Sabay ngiti ko sa kanila. Lumapit ako sa naka-ngiting si Direk na ngayo'y kinakausap si Matthew, yung lalaking tinawag kong Michael kanina sa eksena.

"Oh, Dani, nandito ka na pala." Sabi ni direk ng mapansin niya ang presensya ko sa likuran niya.

"How was it, direk? Maayos po ba?" Ang tinutukoy ko ay yung ginawa kong pag-arte kanina.

"You did great, Dani! Kayong dalawa ni Matthew! You did it very well. I didn't expect that kind of scene from you, guys! Ipagpatuloy niyo lang yan! Tomorrow will be our next shoot! Be there, ok? For now, you may now go and take a rest." Mahabang niyang sagot sa aking kakarampot lang na tanong. Umalis siya sa harap namin ni Matt, para sabihing magpack-up na ang mga staff, kaya kaming dalawa na lang ang naiwan. He smiled. Tinanggal niya yung towel na nakasabit sa kanyang balikat at ibinalot iyon sa akin.

"Ayaw kong magkasakit ang hun ko." Bulong niya sa aking tenga na siyang nagpainit ng pisngi ko. Urgh, Montecillo! Mahina ko siyang sinapak sa kanyang dibdib kaya napalayo siya ng kaunti sa akin.

"So corny, hun." Halakhak ko para maitago ang aking kilig at hiya sa kanya.

"But I know you liked it kapag nagiging corny ako." Sabi niya habang naka-nguso. Aww, cute Montecillo.

"Yeah. You're right. But still, it's corny." Pang-aasar ko sa kanya habang tumatawa, pero imbes na maasar ay nakisabay din siya sa akin sa pagtawa. Umakbay siya sa akin at niyaya akong pumasok sa loob ng aking tent para makapagbihis. Naglakad kami papunta roon habang patuloy pa rin sa pagaasaran.

"I'm corny nga pero mahal mo naman ako." This time ako naman ang napanguso. Tama siya. Isa sa mga nagpa-ibig sa akin sa kanya ay ang pagiging corny niya. I love the way he throws his jokes and pick-up lines at me. Kahit hindi nakakatawa at nakakakilig, in short, super corny, napapasaya niya pa rin ako.

Huminto siya sa paglakad kaya napahinto rin ako. Literal na nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng bigla niya akong halikan sa labi. That was fast kaya hindi ko napansin. Tiningnan ko siya ng masama.

"What? I can't help it but to kiss you, hun. Your lips is just so tempting, especially when you're... pouting." Malambing niyang sabi sabay kagat sa kanyang labi at kindat. Pabiro ko siyang hinampas sa dalawang kadahilanan. Una ay kinikilig ako, pangalawa ay nahihiya ako. Tiningnan ko siya habang ngayo'y naglalakad ng palayo sa akin. Tumatawa pa rin ang gago dahil sa naging reaksyon ko kanina-nina lang. Tsk. Damn you, Matthew Montecillo!

"Hey, hun, magbihis ka na agad para hindi ka magkasakit. Ihahatid kita sa condo mo pauwi. I love you!" Mula sa malayo niya iyon sinabi sa akin, kaya malamang ay narinig ito ng iba. Napapailing ako habang nakangiting nakatingin sa kanya. I really love this man. Mahal na mahal ko siya at... Mahal na mahal din niya ako.

Minsan nga, iniisip ko kung bakit niya na lang naramdaman sa akin yun eh. Bigla na lang niya akong minahal, ang isang Daniella Tayao. Kasi siya, he is almost close from being perfect. Samantalang ako, no specific direction ang buhay ko. That's why I'm scared. Natatakot akong sa bandang huli ay pagsawaan at iwan niya ako dahil hindi ko kaya maging deserving para sa kanya.

*snap!*

Nabalik ako sa aking sarili when someone snapped his fingers in front of me. It was Matt. At nakapagpalit na siya ng damit. Suot niya ang isang puting V-neck na shirt at itim na khaki pants. Simple pero bagay na bagay sa kanya.

"Why are you still not changing your clothes? Ayan tuloy natuyuan ka na!" Sermon niya sa akin habang chine-check ang ngayong patuyo ko ng damit. I didn't speak kaya iniharap niya ako papasok sa tent habang siya ay nasa likod ko pa rin at hawak-hawak ang aking magkabilang balikat.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na naman ang init ng kanyang hininga sa aking tenga.

"Do you want me to change your clothes, instead?" Mapang-akit ang tono ng kanyang boses. Mariin ko sinara ang aking mga mata. Sabay ng aking pagdilat ay ang pagharap at ang malakas na pagkotong ko sa kanya.

"Flirt." Inis kong sabi sabay walk-out. He just laughed. Bwiset! Gustong-gusto niya talaga ako laging inaasar, dahil natutuwa raw siya sa mga reaksyon ko. He's a jerk, in case you don't know.

"HAHAHA! You are so cute when you're blushing, hun!" Pahabol niya. Napailing na lang muli ako dahil sa kanya. Pero hindi ko rin maiwasan ang ngumiti. That guy is a jerk. And that jerk is mine...

Imagine You And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon