Ruthless 2: Don't talk to her

305 34 17
                                    

Ruthless 2.


Chantal.


"We won, we won!" I cheered as the siren ringed. Woah, akalain mo iyon? Akala ko ay magiging mahirap ang laban dahil sa nagkahiiwalay ang magkakaibigan sa pustahan pero at least naman ay two points ang laman lang nila kay Karl at Angelo. Hindi na masama.

Pumalakpak naman sila Rihanna katulad ko at tumayo na rin para lapitan ang mga boys. Ako lang ang nalayo ng team dahil hiwalay si Four sa kanila. Doon ako lumapit at muling inabot sa kanya ang bago kong bili na Gatorade. Ang laki ng ngiti sa mukha nito. Parang ewan talaga! Ginulo niya naman ang buhok ko at pinisil ang ilong ko nang makarating kami doon.

"Aray ha, hindi ka naman tuwang tuwa na nanalo kayo? Naku, baka mag friendship over kayo niyan nila Karl at Angelo ha!" Umiling lang siya sa akin habang kinukuha ang Gatorade at pinunasan ang pawis niya.

"Tss, laro lang naman 'yon. Wala sa amin iyon..." Sabagay ay tama siya. Kahit nga gaano kainit ang laban nila sa court, paglabas ay para na silang magkakapatid na nagkalayo at sobrang excited na magkita. Kadiri lang, akala mo laging hindi magkasama eh. Magkakalapit lang naman kami ng bahay.

"Four, pare," Tawag ng isa sa mga kasamahan niya doon. Hinila naman niya ako palapit sa kanila. "May balak magpa-party nitong si Jared oh, gusto mong sumama?"

"Nice, kasama niya pala si Chantal. Shet naman." Rinig kong sabi nang isa sa kanila doon. Psh.

"Ka-text ko nga iyan nang nakaraan eh, ganda niya talaga." Nagbubulungan sila pero dahil nga sa bampira ako ay hindi makakatakas iyon sa pandinig ko.

"Tumigil nga kayo dyan, pagsisipain ko kayo eh." Doon ko lang napansin na nakikinig pala si Four sa kanila. "Isa pang rinig kong binabanggit ninyo ang pangalan ni Chantal, wala kayong makukuha na hati sa pustahan."

Ang protective talaga ng brother ko, kaya loves ko ito eh! Manang mana kay Papa. Pero hindi ko alam kung saan namana ang pagiging masungit niya at sa akin lang malambing. Lumapit naman sa kanya iyong Jared na kinakabahan ako kapag nakikita ko. Nagpupunas ito nang pawis gamit ang face towel at umupo sa may bleachers sa tapat niya.

"Sumama ka na, Four." Aniya. Nakarandam ako nang kung anong tumusok sa tiyan ko nang marinig ang boses niya. Para ba itong pamilyar pero hindi ko naman alam kung saan ko narinig. Well, I don't have any friends except them. Iyon mga kasama ko kanina ay sila rin lang ang nakasama ko mula pagkabata.

"Saan ba? Ayokong mapagabi kami, eh. Kasama ko pa naman si Chantal. Baka magalit lang sila mama kapag kahit isang Segundo ay wala sa bahay itong si Chan."

Tinabig ko naman siya. "I'm fine with it! Ang tagal ko na rin hindi nakakapag-party! Nakakatamad na kaya sa bahay..."

"But, is it fine with me? Hindi diba, kaya mauna ka na lang kaya umuwi?" Sinimangutan ko lang siya.

"Four naman! I hate you na to the moon and back. Pag kasama naman kita ay hindi na magagalit sila Mama at Papa, eh! Please, magpaalam ka sa kanila. Ikaw ang malakas sa mga iyon eh." Right, habang ako naman ay favourite nila...favourite pagalitan, favourite sawayin, at favourite i-grounded! Ako na talaga black sheep.

"Chantal..." Nakipaglaban ako ng titigan dito. Pero sa huli ay alam ko namang hindi niya rin ako matitiis. Natawa na lang ako nang suminghap ito as a sign of a defeat. "Alright, sige. Sumama ka na. Magpapaalam na lang ako kela Mama. Pero hindi tayo tatagal doon ah!"

Tumango naman ako at lumaki ang ngiti sa mukha ko. Agad kong tinaas ang kanang kamay ko. "Promise, Four!"

Tinapik naman siya sa balikat noong si Jared. Nangliit ako nang saglit niya akong pinasadahan ng tingin. I wonder what's really wrong with me. "Next time bro, pagsabihan mo iyang kapatid mo to be loyal. Hindi iyong nagiging tatlo ang mangliligaw niya. Muntik na kasi magsapakan ang mga ka-team natin dahil lang sa di malaman kung sino ang tinignan niya."

The Ruthless Downfall | BOOK 3 - HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon