Ruthless 16: Anklet

108 21 0
                                    

Chapter 16.

Chantal.

Naiinis naman akong nakatingin sa labas. Hanggang ngayon, hindi ako pamilyar kung saan ako dinadala ni Jared. Para bang napakalayo na namin, hindi naman sa hindi ako gala, but it seems like laging iba ang mga daang dinadaanan niya kaya hindi na pamilyar sa akin.

"Hindi ka ba nagugutom?" kahit pa hindi siya magsalita ay naririnig ko ang mabilisang pagkabukas ng isang tunog plastic doon. Narinig ko na lang na malakas niya itong nginunguya. I hate him! Hindi pa naman ako nakakain kanina.

Walang lingon lingon ay kinapa ko kung saan ko pakirandam na narinig ang plastic pero wala ito doon, ilang beses ko pang kinapa pero wala talaga ito kaya naman naiinis akong bumaling kay Jared at nakitang hawak niya pala ang plastic. May laman itong chichirya. Kaasar. Nakangiti pa talaga siya na parang ang sarap sarap kumain.

"Nakakawalang gana ang ngiti mo. Lalo akong hindi nagutom..." Irap ko sa kanya at muling bumaling sa labas. The truth is, kaming mga bampira, kumakain din naman kami ng mga snacks but not that much dahil mas iba ang mga pangpalakas namin, bale this is just like something to eat for us kapag bored kami.

Saka ko lang naisip ang pagkatao ko--or should I say, ang pagkabampira ko. Napatingin ako kay Jared saglit na natatawa-tawa lang na nagmamaneho. I envy him, I envy the normal ones. Oo, makapangyarihan kami. Oo, angat kami sa iba. But the most painful part is, we can never be the way we wanted it. We want to show who we truly are but there are a billion earthlings who would love to judge and kill us quickly. Isa pa, hindi namin magagawa lahat ng mga normal na gawain dahil baka maraming makahalata o makapansin sa amin. The world we live in is scarier than what you think.

Mas madaming kalaban at mas madaming kinatatakutan. I can never live the normal way. I can't go to rides or to a park or anywhere that there is a normal life. Kaya naman talagang tuwing nakakalabas ako sa bahay namin, ibang iba ako. I become so excited sa kung saan makakarating.

Para bang ang babaw lang ng kasiyahan ko.

"Saan mo ba talaga ako dadalhin?" basag ko sa katahimikan dahil naiinis na talaga ako. Ang dami ko na namang naiisip. I need to have a break.

"Amusement park." nanglaki naman ang mata ko saglit pero agad ko itong binaliwala dahil baka isipin niya ay para akong bata. But to be honest, never pa akong nakapunta doon. Takot sila Mama at Papa na mabilis kaming makilala sa dami ng tao o mahirapan kaming magkontrol. Buong buhay ko up to this moment, kahit gusto ko ay hindi ko magawa. I'm so afraid. "Sabi kasi ni Four, hindi ka pa raw nakakapunta doon katulad niya. He wants you to have a normal life."

"N-normal life?" tumango naman siya. Teka, alam niya na mga bampira kami? Sinabi na agad ni Four sa kanya? "What do you mean by that?"

"Eh hindi ka raw kasi palalabas ng bahay kung hindi sila Four o sila Rihanna ang mga kasama mo. Gusto niya naman daw na kahit papaano makapunta ka sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan. I thought it would be nice as a first date too, right?"

Hindi ko na siya pinansin. Ayan na naman siya sa first date na kanina niya pag pinagdidiinan. Tumalikod na ako sa kanya but somehow, a smile form in my lips. I can't help it, kinakabahan ako pero natutuwa naman ako na finally makakapunta na ako doon. Hindi ko alam kung bakit na naman ito ginagawa ni Jared, but I owe him a lot.

Okay, magpapakabait ako sa kanya. But only for this day! Asa naman siya na babait ako sa kanya. Something about him is very irritating, and hindi ko pa malaman kung ano 'yon.

I know, he's a jerk. Sometimes he's cold, sometimes he's an a-hole. Pero all in all, I am not doubt to see that he is somehow kind. Pero naiirita ako. Para bang pinanganak siya para kainisan ko siya, unang kita ko pa lang sa kanya. And why do I even say this things right now? Nababaliw na yata ako.

The Ruthless Downfall | BOOK 3 - HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon