Ruthless 11: Date

119 26 1
                                    

Chapter 11.


Chantal.


"care to explain, Jared?" tanong ko sa kanya ngunit nanatiling blangko ang mukha niya. Hindi naman ako tanga para hindi ko maintindihan ang gusto iparating sa akin ni Vanessa kanina pero ang hindi ko maintindihan ay kung... totoo ba 'yon. At kung totoo man 'yon, paanong nangyare ang lahat ng 'yon? Bakit niya 'to ginagawa?

"Look at the mess you made, Vanessa." nakatiim-bagang niyang sabi kay Vanessa. Hinila naman ni Vanessa ang kamay niya kay Jared.

"The mess I made? Eh totoo naman diba? Siya ang babaeng hinihintay mo na ipanganak ni Sab--"

"Enough! Kailan ka ba titigil? Bumalik ka na nga sa training mo. Nasabi ko na sa coach mo na saglit ka lang ngayong araw." bumaling naman siya sa akin. "And Chantal, wag ka mag-alala, hindi ikaw ang babaeng sinasabi ni Vanessa. Akala niya lang ikaw dahil sobrang kamukha mo siya pero... hindi. Iba 'yon." Wala sa loob niyang sabi.


Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Kaya niya lang din ba ako nililigawan? Dahil sa kamukha ko 'yong kung sinumang sinasabi nila ni Vanessa. Hindi ko alam bakit parang dumami yata ang tinik na nakatanim sa dibdib ko. 


"So you are saying na kaya mo lang naman ako pinagtitripan at nililigawan kunyare dahil sa kamukha ko kung sinuman ang babae na matagal mo na hinahanap? Ganon ba?" tinanggal ko na ang pagkahawak ko sa braso niya. Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko. Bakit? Dahil tama ang hula ko? A-hole.

"Look, you don't understand! What I am trying to say is kamukha mo ang dati kong hinahanap, Chantal--"

"Oh edi lumabas din ang katotohanan, pervert!--

"--Pero ikaw ang gusto ko!" natigil naman ako sa sinabi niya. Maigi ko siyang tinignan at agad na namula ang putlang-putla niyang mukha. "Damn, you even make me say it."

"I-I don't believe you, kakakilala lang natin.. ganyan ka na agad? G-gusto?"

"And what the hell is the difference of me liking you and Evan liking you, too? Parehas lang naman kaming kakakilala sa'yo!" parang napipikon niyang sabi. Magkaiba naman sila! Ang kay Evan naman kasi, lagi ko na rin siyang nakikita before pa naman, at ngayon lang daw siya nagkalakas ng loob kasi ngayon wala na daw umeepal, ayon sa kanya.


'There is a difference. If you only know how much I feel about you' Nagulat naman ako sa narinig kong boses ni Jared sa isipan ko lang. Teka, bakit ba dumadalas ang pagkakarinig ko ng boses niya sa utak ko? Baliw na ba ako? Napailing na lang ako. Ang weird lang kasi habang naririnig ko boses niya sa utak ko ay maigi rin siyang nakatingin sa akin.

"Let's go, Irish." Naiiritang walk out ni Vanessa. Masama naman nakatingin sa akin si Irish bago umalis. 

"Pwede ba, Jared? You've gotta be kidding me. This is the first time I see you in my whole life at ikaw din. Pero gusto mo na agad ako even if we don't know each other that much? Malamang sa malamang ay naaalala mo nga lang sa akin ang taong gusto mo hanapin."

Napasabunot naman siya sa buhok niya, he seems to be mad pero hindi niya mailabas. "Believe whatever you wanted to believe but this ain't a drama or a fairytale and I am some kind of a prince that is too doubtful about his feelings--I'm not like that. I am sure who I want, I am sure of you."


Sure of me? Hindi ko alam bakit bigla na lang akong kinabahan at ang tiyan ko naman ngayon ay gusto na kumaripas ng takbo paalis sa katawan ko. Pinilit kong hindi mapaso sa sistema ko ang mga sinasabi niya pero nag-iinit na talaga ang dibdib ko!

The Ruthless Downfall | BOOK 3 - HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon