Minsan hindi natin maikakaila sa ating sarili na akala natin mabuti ang ginagawa natin ngunit may mali pala. Sa isang banda, nandoon pa din ang salitang "PAGPIPIGIL". Isang salitang mahirap gawin pero kapag nagawa mo, para ka nang nabunutan ng tinik sa iyong dibdib.
--
Monday ngayon at papasok nanaman ako sa school. Bakit kaya ganon ano? Kapag first day ng klase eh grabe ang sipag mo sa pagpasok, 'yung tipong kinukompleto mo ang attendance mo, nakikinig ka sa teacher mo, ang sipag mong magsulat, at kung anu-ano pa.
Tapos kapag tumagal-tagal na, grabeng tamad ang nararamdaman mo. Ang hirap makipag-plastikan sa sarili infairnes.
Hindi na ako hinahatid ni mommy o sinusundo ng school bus. Malaki na daw kasi ako, at aminado naman ako doon kahit papaano. Pero ang hassle lang talaga kapag commute ang drama mo e.
Andyan 'yung pag-alis mo ng bahay ang bango bango mo na halos parang isang linggong binabad sa Downy ang suot mo, pero pagdating mo sa school parang ginawa mo nang perfume yung usok ng jeep tapos samahan mo pa ng haggard na pagmumukha. Jusko! Ewan ko ba sa ekonomiya ng Pilipinas.
Palabas na ako ng gate ng village namin. Ilang streets din ang nilakbay ko bago ko marating ang huling hantungan ko. Charr lang! Ayoko pang mategi.
Habang naglalakad ako, sabay naman ang pagtugtog ng kanta sa tenga ko na may nakasalpak na earphone.
Now playing ~ Worth It by Fifth Harmony
Sabay ng pagtugtog ng kanta, sabay din ang paglakad ko na tila ba naglalakad sa mahabang kulay violet na may matingkad na glitters at may mga rosas na karpet. Masyado kong dinadama ang bawat beat ng kanta.
Nandito na ako sa labas ng village namin. Naglakad ako ng kaunti para sumilong sa shed habang naghihintay ng masasakyan.
--
No I.D
No ENTRYAyan ang agad na bumungad sa akin pagkababa ko ng jeep na halos para kaming San Marino Tuna dahil sa sobrang siksik. Dagdagan mo pa ng katabi mong parang lumunok ng sampung pakwan! Ewan ko ba! Kinain na ata ng sistema 'yung barker ng jeep.
So, ayun nga, pagkababa ko ng jeep kinuha ko 'yung I.D ko sa loob ng bag at inilabas ito para naman makapasok ako at kapag nakapasok na ako, saka ko ito itatago ulit. Ganyan ang routine ko tuwing papasok ako.
"Good morning! I.D" Bati sa akin ni manong guard. Kaagad kong ipinakita ang I.D ko, at syempre bilang respeto. Ningitian ko siya, pahumble muna ako ngayon.
7:30 pa lang ng umaga ang dami nang estudyante. Sa bagay 8:00 ang start ng klase.
Section B-5 ako. Kaya medyo brainy ako, pero sabi ng mommy ko, magpasalamat daw ako sa Panginoon dahil sa kanya nanggagaling ang katalinuhan ko. Sumunod naman ako.
Lakad..
Lakad..
Lakad..
Lakad..
Lakad..
"Ayy kabayo!" Nagulat ako ng may biglang humawak sa likod ko. Sino ba itong istorbong ito sa paglalakad ko?
Agad akong lumingon upang malaman kung sinong walang pasintabi iyon.
O___O
BINABASA MO ANG
The Heart Of Broken
Teen FictionWhat is the difference between "The Heart Broken" in "The Heart Of Broken"? This fiction story tells about a woman who'd been broken hearted because of her bad situation. But, there are some twists about the life of our Protagonist when she became h...