"My name is Savannah. But you can call me Sav" Nakatingin pa din kami sa kanya pero agad din kaming umalis sa pagkakatitig sa kanya.
Akalain mo 'yun ang ganda na nga ni ate, ang ganda pa ng pangalan. Sya na talaga! Pero sino ba 'tong si Sav?
"Nice to meet you Sav. Pero paano mo ba ako nakilala?" Tanong ni King sa kanya.
"Well, ako lang naman ang fan mo" Fan? Electric fan? Artista ba 'tong si King at may fan na sya ngayon?
Halata sa mukha ni King 'yung gulat niya.
"Artista ka ba King?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi siya artista o kung ano pa man. Fan nya lang ako kasi ang gwapo niya. Lalo na sa posts niya sa Instagram account niya" Ah! Yun naman pala ang ibig sabihin ni Sav eh.
"Ganun ba Sav? Ah..Eh.. Salamat ah!" Mukha namang sincere si King sa pagpapasalamat niya dahil may humahanga sa kagwapuhan niya. Ang gwapo talaga ng bestfriend ko.
---
Tapos na ang klase namin at pauwi na kami ni King ngayon. Buti na lang may sumundo kay Sav kasi kung walang sumundo sa kanya, naku! Maiinis lang kami dahil sa sobrang kulit niya lalo na kay King.
Akala ko pa naman mahinhin, ayun pala daig pa ang isang fan ni Justin Bieber. Kanina nga sa cafeteria habang palabas na kami at pabalik na kami ng room, hindi na humihiwalay sa amin si Sav, feeling close ganon. Pero kung makikipag-kaibigan naman sya, ayos lang.
Pero nakakairita na eh atsaka ang awkward. Sya lang kaya ang maingay at makulit sa amin.
At ang pinakamaganda ay 'yung hindi namin siya classmate. Dahil kung nagkataon, baka magdrop na itong si King. Haha!
Tinawagan nga pala ni King 'yung susundo dapat sa kanya at sinabing 'wag muna syang sunduin kasi ihahatid niya daw ako hanggang sa amin.
Okay lang 'yun atleast makakapag-bonding pa kami atsaka isang sakay lang naman eh papunta sa amin mula dito sa school.
"Congratulations sa 'yo" Bati ko sa kanya habang natatawa dahil sa ekspresyon niya na hindi maipaliwanag.
"HA? For what?" Sagot niya. Hindi niya pa talaga alam ang ibig kong sabihin.
"Dahil may fan ka na dahil sa mga picture mo sa Insragram. Haha!" Tumawa naman si King at ganun din ako.
"Hayaan mo 'yun. Yun ang gusto niya eh" Sabi niya. At dahil wala na akong ibang sasabihin, nanahimik na lamang ako habang umaandar itong jeep na sinasakyan namin.
Buti nga hindi puno eh, di tulad no'ng pumasok ako. Grabeng siksikan!
Sinabi din sa akin ni King na gusto nya din daw makita at makamusta si mama. Namimiss nya na din daw eh.
Kaso si mama hindi niya alam na nakauwi na si King. And hopefully, makilala pa niya si King. Ang tagal na din kasi no'ng huli silang magkita eh.
Malapit na kami sa bababaan namin. At ang tahimik ata nitong si King ah. Tiningnan ko sya at boom! Nakatulog ang manong. Haha!
Napagod ata sa buong araw eh, or should I say na mas napagod sya sa pangungulit sa kanya ni Sav.
Mamaya ko na lang sya gigisingin kapag bababa na kami.
*****
Hello guys! Sorry kung masyadong maikli.
Wait for the next update at sure akong mahaba na 'yun. Haha! Minadali ko lang kasi eto eh.Don't forget to remember our rules!
VOTE .. COMMENT .. FOLLOW
Thank ya 😘
BINABASA MO ANG
The Heart Of Broken
Teen FictionWhat is the difference between "The Heart Broken" in "The Heart Of Broken"? This fiction story tells about a woman who'd been broken hearted because of her bad situation. But, there are some twists about the life of our Protagonist when she became h...