Ito ulit ako.
Ayun. Close na kami. Habang sila ni Joy, awkward pa rin. Naiisip ko, siguro hiniling niya nalang na sana silang dalawa nalang ni Joy ang close at hindi kami.:(
Ito na tayo. Sabi niya sakin, lagi niya daw akong napapanaginipan?! Sabi daw kasi, pag napapanaginipan mo ang isang tao, INIISIP mo daw?! Well... totoo namang naiisip ko siya. Pero, lagi niya daw akong napapanaginipan. Kadiri daw? Buti daw kung si joy yun, ayaw niya na daw siguro magising. Pero pag yung sakin, binabangungot daw siya!
Aba! Ang kapal ng mukha! Magsama kayo ng Joy mo! Magtanan na kayo! Ibaon kita sa lupa eh! Alam mo bang may ibang nagkakagusto rin sakin pero pinapabayaan ko kasi ikaw ang ma---. Mali pala. Ikaw ang gusto ko? Mali ulit... crush ko? Nako! Pag ako lang talaga... gumanda! Humanda ka!
Ito. Nagtree planting pala kami. Sa La Mesa Dam. Project namin yun sa buong highschool. Syempre, kasama teachers. Nag jeep kami. Sa jeep, siya yung katext ko:) bwahahaha! Hiwalay kasi yung jeep ng girls and boys. Sinisilip ko si joy kung katext niya rin. Kasi, lagi kaming dalawa yung katext niya.
Sinilip ko si joy *silip
Yes! Ako lang.! Tas yun. Tinanong niya yung pangalan niya sa cp ko. Sabi ko 'diemef fajardo(parkyoochun). May tawagan pala kami. Sa text, park & parks. Basta. (Sana Lord, di niya mahalungkat tong story. Kung nagkataon. PATAY talaga)
Kahit lalaki yun, nagwwattpad. Pero english naman. Nagiingles malalim yun. Lalo na sa GM.
Ayun. Napalayo nanaman ako. Palitan ko daw yung name niya sa cp ko. DDF daw? Iduno what's the meaning? Joke lang yung sabi niya sakin ih. Tapos sakin daw DDD! Ahahaha! Ang Sweet niya na sakin this past few days. Ewan kung bakit? Takte. Nalowbatt na ko nun. Aww daw! Luntian! Kinikilig ako sayo Fajardo!
Naiinlababo na ko sa lalaking to! Wag naman sana!
Yun. Banaman to. Sa school. Buong month niya ko inaasar. Kamuka ko daw si DIRGE! The undying! Kilala ko yun! Nagdodota kaya ako! Anung kala nila? Haha! Ayun. Lagi kong litanya... 'Pag ako gumanda! Humanda ka!' Haha. Basta. Lagi niya ko pinipindot sa tagiliran ko. Taba ko daw? The F! Di kaya. Siya lang unang nagsabi na mataba ko! *yieee!
Ito. Medyo malalim na kami sa sa't isa.
Until one day.
'Mahal na pala kita?'
Shocks! Joke yan diba? Araw araw mong joke yan sakin Fajardo? Actually nakakasawa na nga eh. Please. Joketime lang ulit to diba? Diba? Wag namang ganyanan.

BINABASA MO ANG
Ayaw Mo Sakin? Mas Ayaw Ko Sayo! ANO? KAWALAN?
ChickLitReal story. Nagstart sa Text, Classmate, Partner, Friends, Closefriends, Not lovers, Crush niya na ko, Deadmahan, BITTEr, Away nato! Narealize, Ang Paasa, Strangers, Revenge, Graduate, Nagkakasalubong, Di na nagkita, Nagkita, Sisihan...