''Jomathan!''
''Uy dayan si Jomathan oh! yieeeee!" Sabi yan ni Patrick, ang bestfriend ni Diemef.
Walang kaalam alam si Patrick sa nangyayari samin ni Diemef dahil ang inaasar niya kay diemef,si joy.
Si Jomathan pala,3rd year highschool. Nakikipaglokohan ako kay Patrick tungkol kay joma. Akala ng buong classroom, crush ko si joma. Sinabi ko kasi na cute siya nung 2nd year palang kami at 1st year naman siya.
Walang kamalimalisya saming dalawa. Ginagawa ko lang biro at sinasakyan ko pa.
Wala ring kaalam alam si joma na inaasar siya sakin sa room. Di ko sure. Ayus lang din na marinig niya. Isipbata pa kasi yun.
Pero ang hindi ko alam, ay may sumeseryoso sa biro naming yon.
Akala niya totoo.
Akala ni Diemef.
Di pa ba halatang biro yun? Wala kasi siya nung second and third year, kaya pano naman niya malalaman yun?
Tas one day...
Tinext niya ko. Maaga yun. May pasok. Inasar ko lang siya ng konti tas nagalit! Napakababaw!
''Don't speak a word to me even how important it is!'' Sabi niya. Mahaba yan. Pinaikli ko nalang. Delete ko na rin daw number niya. Grabe?
Sabi ko naman ''Sige: )"
Aba! Ako pa kinalaban mo? Talaga! Manigas ka! Di talaga kita kakausapin no!
Simula nung araw na yon, di na talaga niya ko kinausap.
Pag dadaan ako, walang tinginan.
Hindi ko siya maintindihan. Ang babaw niya!
Tapos... Ngayon, close na sila ni joy.
Alam mo yung feeling niyang pinag seslos ka niya? Tapos ikaw, tawa pa ng tawa na parang walang nakikta?
Hahaha!
Grabe. Pero minsan, nakikita ko, nakatingin siya sakin. Kase lagi din akong nakatingin eh!
Tapos lalong lumala. The more na sakyan ko yung biruan namin ni pat tungkol sa pagkagusto ko (kunyare) kay Jomathan, lalo siyang naiinis! Di naman sa assumera ako pero ganun eh.
Pag nagrerecite ako sa harap, di niya ako tinitignan. Nagbubusybusyhan!
Di naman siya ganun nung simula ng away eh. Lumala.
Lagi na rin ako ngayon inaasar kay jotham. Kunyari kinikilig ako kahit hindi. Ang sarap mang inis kahit wala naman siyang pake?
Grabe talga. Di ko naman siya inano?
Nakikipaglandian na nga siya sa kung sino sino. May nililigawan pa e
Wala na kong lugar sa buhay niya.
Peeo gusto ko pa rin umasa.
Di ko alam. Pareho lang kaming BITTER!
BINABASA MO ANG
Ayaw Mo Sakin? Mas Ayaw Ko Sayo! ANO? KAWALAN?
Chick-LitReal story. Nagstart sa Text, Classmate, Partner, Friends, Closefriends, Not lovers, Crush niya na ko, Deadmahan, BITTEr, Away nato! Narealize, Ang Paasa, Strangers, Revenge, Graduate, Nagkakasalubong, Di na nagkita, Nagkita, Sisihan...