Tenenenenen tenenententen!
Ito nako. Buseth talaga siya.
Ilang araw, pag magkakasalubong sa room bigla nalang idadabog ying upuan tas ako naman, hahampasin ko yung isa kong classmate sabay sigaw ng ''buysit ka bert!'' ng walang dahilan. Parinig!
Tapos pag inaasar ako kay jomathan, lahat ng classmate ko tawa ng tawa tas siya lang nakapoker face tas sabi pa nung isa kong classmate na close si jazel na katapat niya sabi sakin, may binubulong daw!
Pag napupunta ang pangalan ko sa asaran nila Pat, tameme siya. No comment. Silencio!
Pagalit siya ng pagalit.
Di ko na talaga siya tinext simula nung araw na inaway niya ko.
Di talaga ako nag sorry.
Pinapamuka ko pa sa muka niya ''who you?''
Na wala nakong pake at parang walang nangyare.
Di niya nga ako matignan sa mata. Pero minsan nagkakatamaan kami ng titig. Tapos biglang iwas.
Tapos nung isang araw lang,
Nagbihis kami kasi sa cr ng school kasi magperform kami, mga kunyaring CEO. Late kami, tas yun, nagpprepair pa ko ng sarili habang nasa banyo tas ang sabi ni Jazel at ng bff kong si Jonmae,
Sabi ni Maam Ofelle, ''Sinong wala pa dito sa room?''
Sumagot daw si Diemef my crush and immortal enemy ''Si DAYaaaan''
Sinigaw niya yan tapos biglang hininaan ng magising sa katotohanang galit pala siya sakin.
Malay ko ba? Nagulat din ako nung sinabi niya pala yan, nasa cr ako eh!
Nalungkot ako ng sinabi ni Jazel at Jonmae.
Namiss ko siya pero di na kami yung dati.
Wala naman siyang paki sakin eh! Para saan pa yung pagkalungkot ko?
Ummmm... teka? Bat nga ba ganun siya ka affected sa nangyari samin? Galit siya sakin, sa mababaw na dahilan?
Di naman niya ko minahal para magkaganyan siya sakin eh?
Teka nga. Maisip nga muna??? Pero bakit?

BINABASA MO ANG
Ayaw Mo Sakin? Mas Ayaw Ko Sayo! ANO? KAWALAN?
ChickLitReal story. Nagstart sa Text, Classmate, Partner, Friends, Closefriends, Not lovers, Crush niya na ko, Deadmahan, BITTEr, Away nato! Narealize, Ang Paasa, Strangers, Revenge, Graduate, Nagkakasalubong, Di na nagkita, Nagkita, Sisihan...