Chapter 39: Always

21.2K 210 5
                                    

A/N: Markus>>>>>>>>>>

Nic's POV

Uunat unat pa ako ng magmulat ang mga mata ko. Tumingin ako sa orasan na nasa side table ng kama ko at nakita ko na alas nueve na ng gabi. Ang tagal ko pala nakatulog. Napalingon ako ng may kumislot sa tabi ko. Tulog na tulog pa din ang Jared ko. Sigurado ngayon kami binawian ng katawan namin dahil halos wala pa kami matinong tulog tapos yung nangyari pa kaninang umaga. Na nasundan pa ng ilang beses hanggang sa makatulog na nga kami. Napangiti ako ng maalala ang mga nangyari samin. Dahan dahan akong tumayo at paikang nagpunta sa closet ko. Masakit pa din ang buong katawan ko pero okay lang. Worth it lahat dahil kasama ko si Jared. Alam ko na mas pagod sya sakin dahil sya ang nag- drive pauwi kanina. Nagpasya akong bumaba muna at maghanda ng makakain. Ni hindi na namin nagawang magtanghalian kanina, ngayon ako nakaramdam ng pangangalam ng sikmura.

Mabuti na lang at may stocks ako ngayon, nakakita ako ng beef strips at french bread at naisip ko na gumawa na lang ng sandwich tutal naman gabi na at para na din hindi mabigla ang tyan namin ni Jared. Tinimplahan ko lang ang beef strips tsaka ipinirito yun tapos ay hinati sa gitna ang french bread. Sinalang ko yun tinapay sa oven toaster habang naghahanap pa ng ibang ingredients na pwede ko ilagay. Mabuti naman at may canned mushroom ako. Sinabay ko na sya sa piniprito tapos may nakita ako cheese at lettuce kanina sa ref kaya kinuha ko na din para maisama ng i-assemble sa bread. Lalagyan ko na din ng fried egg at bacon para mas masarap. Sigurado ako gutom na din si Jared paggising.

Matatapos na ako sa ginagawa ko ng marinig kong bumababa na si Jared ko. Sakto pa. Naabutan nya ako na nagprepare sa kitchen at niyakap nya agad ako mula sa likuran. "Hello, mahal ko.." Hinalikan nya ako sa batok kaya napaangat ang balikat ko. Palagi nya ginagawa yun sakin at nakakasanayan ko na din. Kaso lang ang di ko talaga mapipigilan ay yung kiliti ko. >.<

Humarap ako sa kanya tsaka tumingkayad para dampian sya ng halik sa labi. "Hi, Jared ko.." Nginitian ko sya tsaka hinatak na papunta sa dining table. "Upo ka na dyan, matatapos na ako dito." Sabi ko tsaka kinuha yun sandwich na ginawa ko. Nilapag ko yun sa harapan nya tsaka kumuha ng maiinom. Tapos ay naupo na din ako tsaka nagsimulang kumain. Nakakatuwa panuodin yun mahal mo na kinakain yun pagkaing ginawa mo. Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti mag- isa habang ngumunguya.

Suddenly you're MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon