Nic's POV
Ang sabi ni Markus, sandali lang kami dito sa Pilipinas. Ang expected ko sa sandali ay one week. Pinakamatagal na ang two weeks. Pero kinausap nya ako kaninang umaga na kailangan nya muna mag- attend sa meetings etc. ng kompanya nila. Dahil pag- alis namin, si Jared na daw ang nag- iisang mamamahala nuon. Hindi ako makaalma dahil may punto naman sya. Kumbaga, habang nandito kami, gagawin na nya ang part nya. Wala syang sinabi kung kailan ang balik namin ng Chicago, basta ang sabi lang nya as soon as matapos lahat ng gagawin nya dito, aalis na kami agad. Hindi na ako nagtanong. Ayoko na makadagdag sa stress at pagod na inaabot nya sa opisina. Magang maga aalis dito sa mansion tapos minsan inaabot pa ng hatinggabi sa pag uwi. Breakfast na lang kami halos nagkikita kapag hindi ko na kinakayang hintayin ang pag- uwi nya. Ang ending? Ako at si Jared ang madalas na nagkakasalubong sa araw araw na ginawa ni lord. Hindi ko malaman sa ugali nun. Minsan seryoso, minsan nang- aasar. Pasalamat na lang ako at araw araw din na nandito yun tatlo. Pero minsan, hindi ko malaman kung kanino sila kampi eh. Dahil tuwing nagkakasagutan kami ni Jared, imbes na paghiwalayin, hinaharot pa nila kami. Sa huli, walk out queen ang drama ko.
Nasa garden ako at hinihintay na dumating yung tatlo. May taban akong pocket book at tahimik na nagkunwaring nagbabasa. Pero ang iniisip ko talaga ay yun nangyari two weeks ago-- kinabukasan ng magkasagutan kami ni Jared. Saktong wala si Markus at unang pagkakataon na kami lang dalawa.
"You know what hurts the most, Brianna? You looked happy." Mula sa kung saan ay sabi ni Jared.
Nagpanting ang tenga ko. Hinarap ko sya tsaka tiningnan ng mapang- uyam. "You're still the same, Jared. Bakit hindi ko nga ba nakita to noon?? You're arrogant, you're selfish and now seeing me happy hurts you?? Ganyan ka ba kasama?? And for the record, I don't just look happy. I am happy. Masaya ako. Masayang masaya! At wala akong pakialam kung nasasaktan ka!" Padabog akong tumalikod sa kanya pagkasabi ko niyon. Pero hindi pa ako nakakalayo ay hiniklat nya ang braso ko tsaka muling iniharap sa kanya, salubong ang kilay na tinitigan ko sya pero unti unti nabago ang ekspresyon ng mukha ko ng makita ko ang mga mata nya. Mapula ang mga iyon at nagsisimula ng magluha. God! Hindi ko kaya to. Napalunok ako bago nagsalita, "I didn't mean to.. Uhm.. I-i'm sorry nabigla ako----"
"Thats alright. I deserve that. Pero gusto ko lang malaman mo.. Hindi ako nasasaktan dahil masaya ka. Nasasaktan ako dahil hindi na ako ang dahilan ng mga ngiti mo ngayon, nasasaktan ako dahil nasa kanya ka na." Sabi nya bago ako lagpasan.
BINABASA MO ANG
Suddenly you're MINE (COMPLETED)
Romance"Alam kong ipinanganak ako para sayo, kaya kahit ano pang sabihin mo.. AKIN KA.. Panindigan ko na to."