Nic's POV
Yun na ang gabing huli kong nakita si Jared. Ang tagal na din simula nun. Eight months na.. Ano na kaya itsura nya ngayon?.. Literal na lumayo kasi sya sakin. Dahil hindi na sya sa mansion naglalagi. Nag- aasikaso na sya ng negosyo nila. Pakiramdam ko nga sa opisina na sya nakatira. Hindi ko alam kung saan sya natutulog gabi gabi. Minsan minsan daw dumadaan dito, pero sinasakto nya palagi na wala ako. Sila naman kasi ni Markus nagkikita pa din sa opisina. Busy na din kami sa pag- aasikaso ng mga detalye sa kasal namin. Hindi ko inakala na dito pala kami sa pinas ikakasal. At mas lalong hindi ko inakala na ganito kami katagal aabutin dito. Siguro eto talaga ang dahilan ni Markus bakit kami umuwi. Three months na lang at kasal na namin. Nun nasa states kami ako ang madali ng madali. Pero ngayon parang gusto ko hatakin pabalik ang araw.. Siguro dahil natatakot ako? Siguro kasi parang hindi pa ako talaga handa? Hay ewan. Basta ang alam ko sumasabay lang ako sa agos. Akala ko nga madali lang magplano ng wedding. Yun pala wedding invitations pa lang, talagang sasakit na ulo mo. Lalo pa sa medyo litang na kagaya ko. Palagi ako wala sa sarili at hindi ko maitatwa iyon. Parang may hinahanap ang sistema ko na hindi ko maintindihan.
"Babe?.." Sabi ni Markus sabay pitik ng daliri sa harapan ko.
"H-huh? Ano nga kasi yun?.." Lutang na sagot ko.
"Tss. Spaced out ka na naman. Palagi kang ganyan. Ano na naman ba iniisip mo?.." Palagi nya sinasabi na tulala ako at palagi din nya tinatanong kung anong nasa isip ko.
"Yung kasal natin. Ano ka ba, ano pa ba? Ang bilis kaya ng araw, we need to send the invites, then meet the couturier. Andami pa natin hindi nagagawa."
BINABASA MO ANG
Suddenly you're MINE (COMPLETED)
عاطفية"Alam kong ipinanganak ako para sayo, kaya kahit ano pang sabihin mo.. AKIN KA.. Panindigan ko na to."