A/N: Markus----------
Nic's POV
Nakaakay sakin papalabas si Mira at Atina. Umaakto sila na akala mo ako napilayan dahil todo alalay sila sakin. Pero kung alam lang nila..
Mas masakit pa dun yun nararamdaman ko ngayon.
Diniretso nila ako sa kotse ko. Alam nila na di ko na kakayanin pang pumasok dahil sa nangyari. Si Mira na ang nagprisintang mag- drive para sakin. Alam ko na inaasahan nilang aatungal ako ng iyak pagsakay ng sasakyan pero kahit ako nagtataka sa sarili ko kung bakit di ko yun magawa. Pakiramdam ko lumulutang ako sa kawalan. Yung sakit na nararamdaman ko hindi ko na kayang ipaliwanag dahil namamanhid na ko.
Pagdating namin sa bahay, pinaupo nila ako sa couch. Nagpunta sa kitchen si Atina para kumuha ng tubig tsaka iyon inabot sakin. Kinuha ko naman tsaka tulala ko pa din na ininom yun. Alam ko sa gilid ng mga mata ko na abot ang tinginan ng dalawa. Pagkainom ko ng tubig ay si Mira na ang unang nagsalita,"Pasensya ka na ate, kasalanan ko kung bakit nakita mo pa yun, akala ko kasi.." Hindi makuhang ituloy ni Mira ang sasabihin nya.
Wala naman kasi syang alam sa nangyari. Natawa ako ng marahan sa naisip ko.
Ako nga walang alam sa nangyayari eh, sya pa kaya?
Nag- panic naman si Atina,"Nic.. Huy.. Nic!.. Bat ka tumatawa?.." Nag- aalalang tanong nito. Akala nya ata naluluka na ako.
Tumingin ako sa kanila. "Wala. Nakakatawa lang ako.. Tanga ko eh. Bakit ba tayo umuwi? Hanggang hapon pa ang klase natin. Kayo? Di na ba kayo papasok?" Tumango lang ang dalawa bilang pagtugon.
Maang na nakatingin sakin si Mira at Atina na para bang di makapaniwala na normal akong nakakapagsalita na parang wala lang sakin ang nangyari. Ganito naman talaga dapat, dapat maging okay ako- dapat ipakita ko na okay ako. Hindi ako dapat kaawaan ng mga tao sa paligid ko. Dahil di magiging maganda ang resulta nun para sakin.
BINABASA MO ANG
Suddenly you're MINE (COMPLETED)
Romance"Alam kong ipinanganak ako para sayo, kaya kahit ano pang sabihin mo.. AKIN KA.. Panindigan ko na to."