RIA POV
After ng fieldtrip balik na ang lahat sa dati. Lalo na samin ni Ren, in-expect ko pa man din kasi na kada magkakasalubong kami eh ngingitian nya ko kaso hindi. Sabi pa nga ni kuya para lang daw akong na one day millionaire. Tungkol naman kay Mike di pa din ako nakakapagdecide ayokong saktan sya dahil alam ko naman para lang din kapatid ang turing ko sa kanya.
RUI POV
Balik na ang lahat sa dati, parang walang nangyaring fieldtrip di ko tuloy alam kung panong sunod na plano ang gagawin namin lalo na at umeepal pa itong si Mike.
Di pala talaga biro ang maging si kupido isama pa ang kapalpakang plano ni Landon. Hay kailangan ko talaga mag isip ng bagong paraan.
--
SCHOOL
Ano ba. Ano ba! Aray. Put@ sino yung pumaltok sa ulo ko. Tinangnan ko ng masama yung tatlo. Sabay tinuro non dalawa ni Paul at Mike si Landon.
Pok.
"Aray. Bakit mo naman ako binatukan boss(T^T)." Naawa naman ako kay Landon. Napalakas ata ang batok ko sa kanya dahil kamuntin nya na malunok yung lollipop nya.
"Bakit ka kasi namalmaltok ha." Singhal ko sa kanya.
"Eh di naman ako yun eh." Pabebeng ungot nya naman. Sabay tiningnan nya ng masama yun dalawa ni Paul at Mike. Ngumisi lang naman yung dalawa.
"Villegas."
Boses palang ang bantot na. Tiningnan ko ang bwisit na tumawag ng pangalan ko. At sya din ang gagong pumaltok sakin dahil hanggang ngayon may hawak sya'ng maliit na piraso ng bato.
"Come here." Aba at maka come here ito ah parang natawag lang ng aso ah. Gusto ko na syang upukan kung di ko lang naalala si Ria. Haist.
"Ano naman ba ang kailangan mo ha." Singhal ko sa kanya.
"Pinapatawag kayo ng Dean. You and your teams."
Ah! Oo nga pala kami nanalo. Ano kaya ang mahiling kay Dean. Pwede ko kayang hilingin na patalsikin na 'tong asungot na ito sa School pero di pwede yun malulungkot si Ria, eh kung hilingin ko kaya na papalitan ko si Buendia bilang SSC President kaso ang hassle naman. Eh kung sports car kaya o cellphone yung bago Iphone X. Excited nako.
"Boss ayos ka lang?" Tanong ni Landon.
"Oo naman." Di ko mapigilin mapangiti. Im so excited."TARA NA SA OFFICE." Sigaw ko sa kanila.
"Hay. Mukang gago talaga."
"Anong sabi mo?"
"Wala." Nakapokerface na sabi ni Buendia.
Hay. Bwisit.
--
OFFICE
"So Rui Villegas, as i promise your team can wish anything."
"Totoo Dean.(*O*)" Manghang mangha sabi ni Landon.
"Yes."
"So Rui, Landon, Paul, Pedro at Juan. Ano ng hiling ng grupo nyo?"
"Umh. Akin punching bag." Paul
"Akin po girlfriend." Landon
"One million ang akin. Gustong kong maging mayaman para kahit di na ko pumasok." Epal na sabi ni Pedro.
"Akin kahit si Luis Buendia nalang." Nababaklang sabi ni Juan. Kaya tiningnan namin sya ng masama. Bwisit na 'to aagawan pa ang kapatid ko. Kaloka!
"Hehe. Peace!"
"Ehem. Sorry to tell you mga Iho. Pero isang lang ang pwede nyong hilingin. Di din pwede ang mga hinihiling nyo."
"ANO BA YAN!" Magkakasabay namin sabi.
Tsk. May patanong tanong pa sya. Niloloko ba nya kami.
"Sige pag-iisipan nalang namin Dean." Sabi ko nalang.
"Okay sige. Teka nga lang pala Villegas according to Luis you and your friends ay may ginawa na naman gulo so as punishment tutulong kayo sa SSC Members na magready at prepare for coming JS Prom or else pare-pareho kayong di makakapasa. So you may go now."
--
"Ang chararat naman ni Dean. Gusto ko pa man din humiling ng girlfriend. Mukhang olats na kasi ako kay Ruvie Jane." Pabebeng ungot na naman ni Landon.
"Ako nga punching bag. Nangangati na ang kamao ko. Pasuntok nga muna Landon."
At yun inupakan na nga ni Paul si Landon.
"B-boss! H-help meeee."
Bahala kayo dyan.
Habang nag-iisip ako kung ano ang magandang hilingin nakita ko naman si Mike at Ria na nag-uusap.
Kaya dahan-dahan akong nagtago sa may gilid ng classroom para pakinggan kung ano ang pag-uusapan nila. Malamang magtatapat na si Mike ng pag-ibig nya kay Ria kahit matagal ko na itong binabawalan.
"Ria a-ano may sagot kana ba?" Nahihiyang tanong ni Mike. Napatingin naman ako kay Ria halata sa mukha nya na hindi nya alam ang sasabihin. Malamang basted na tong si Mike nahihiya lang si bunsong sabihin. Tsk! Kawawang Mike.
"RIA." Tawag ko sa kapatid ko kaya agad sila napa tingin dalawa sakin. Halatang nagulat sila pareho.
"K-kuya kanina ka pa ba?"
"Ikaw pala Rui. Kanina ka pa ba?"
"Hindi kakarating ko lang. Tara na uuwi na tayo bunso." Tinangnan ko ng diretso si Mike sa mata.
"Ah sige. Mauna na kami Mike." Paalam ni Ria.
"Mauna na kami tol. Magkita nalang tayo mamaya sa Computer Shop."
"Sige. Mag-ingat kayo Ria."
"Sige. Salamat."
Napatingin ako kay Mike kita ko ang lungkot sa mukha nya. Hindi ko alam kung sino ang niligtas ko sa kanilang dalawa, kung si Mike ba mula sa pagkabasted o si Ria dahil alam ko di nya gugustuhin makasakit ng damdamin. Hay buhay!
--
COMPUTER SHOP"Ano Landon tapos kana ba dyan."
"Oo boss ito na."
"Patingan nga." Tiningnan ko maigi ang pictire na pinaphotocopy ni Landon. "Sige okay na 'to."
"Saan ba natin gagamitin ang picture ni Mika boss?"
"Basta hawakan mo lang." Utos ko sa kanya.
Para sayo to Mike.
BINABASA MO ANG
MY BROTHER IS A GANGSTER: PLAYING CUPID
AléatoireAko si Rui Sairon Villegas gwapo, astig, sikat at una sa lahat gangster. Magiging si Kupido. Bakit hindi para sa mahal kong kapatid na si Ria Sairin Villegas na na-inlove sa ubod nang epal na si Luis Ren Buendia. Ang president ng SSC, ang bagong hea...