CHAPTER 13

8 0 0
                                    

RUI POV

Ako ang nanalong Prom King tiyak maiinggit si tanda nito. HAHA!

Palabas na kami ng School pero pansin kong kanina pa tulala si Ria matapos ang party.

"Ayos ka lang ba bunso?" Tanong ko dito.

"Ah.. Oo naman Kuya." Pero namumula naman ito ngayon. Hmm! Ano kayang nangyari.

Paglabas namin ng School nakita ko na agad ang sasakyan ni tanda. Nakingisi akong lumapit dito, napangisi din naman ito ng mapatingin sa koronang nasa ulo ko.

"Ano humahanga kana ba sakin ngayon Papa." Pagmamayabang ko.

"Oo naman anak kong gwapo. HAHAHA!" Sabay tapik-tapik sa likod ko. Hmp! Plastik.

"Gusto ko ipaframe mo lahat ng picture ko ha. Landon ibigay mo kay Papa ang camera."

Agad naman sumunod si Landon.

"Ano anak nag-enjoy kaba?" Tanong ni Papa kay Ria pero tulala lang ito kaya siniko ko 'to para makuha ang atensyon nito.

"Ha! Bakit kuya?!" Hay! Lutang nga ang kapatid ko.

"Tinatanong ni Papa kung nag-enjoy ka daw ba? Masama ba ang pakiramdam mo bunso?"

"Oo nga anak. Kanina ka pa kasi tulala. Saka bakit di ikaw ang nanalong Prom Queen samantalang itong pangit mong kapatid nanalo."

"Hehe! Mas madami po kasing maganda sakin Papa saka ayos lang po ako." Paliwanag ng kapatid ko na hanggang ngayon namumula pa din ang mukha.

"O sya tara nang umuwe. Halika ng Papa kong pangit." Yaya ko sa kanila.

"Sumabay na kayo samin Paul, Landon at Mike."

"Hindi na po Tito. Salamat nalang po."

"Oo nga po Tito. Mabibingi lang kami sa kayabangan ng anak nyo." Pabulong na sabi ni Landon na narinig ko naman. Akmang kukutusan ko na sya kaso nakatakbo ito ng mabilis , humanda ito sakin sa Lunes.

--

RIA POV

Alas-tres na ng madaling araw pero heto at hindi pa din ako makatulog mabuti na lang at walang pasok bukas. Iniisip ko pa din mabuti yung sinabi ni Ren. Bakit ayaw nya kong magpaligaw sa iba, hindi kaya crush nya na din ako. Aamin na kaya siya sa Monday. Kyaaah!

Knock. Knock.

"Ria ayos ka lang ba?" Rinig kong tanong ni Kuya mula sa labas kaya binuksan ko yung pinto ng kwarto ko.

"Bakit kuya?"

"Rinig kitang sumigaw eh. Saka bakit di kapa natutulog." Ha! Napalakas pala yung pagtili ko. Nakakahiya.

"Ah-eh ano kuya di ako makatulog eh. Hehe! Ikaw bakit di ka pa natutulog."

"Nag-a-upload ako ng mga picture natin sa Facebook eh, alam mo naman madaling araw lang malakas ang internet connection dito satin." Paliwanag nito. "Matulog kana bunso."

"Sige kuya. Good night."

"Sige bunso, good night din.  Bukas muna ulit ituloy yang pagkakilig mong yan." Sabay labas nya ng kwarto ko.

"Kuya hindi no." AAAH! Ganon ba ko ka-obvious.

"HAHAHA!" Pang-asar na tawa ni kuya habang naglalakad papunta sa kanyang kwarto.

MONDAY

"Woah! Anyare sayo bunso?" Tanong ni Kuya habang nasa hapagkainan kami. Lunes ngayon kaya may pasok na ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY BROTHER IS A GANGSTER: PLAYING CUPIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon