Prologue

260 15 2
                                    

A story of life, of love, of struggles

A story of facing fears

This is a story of success and failures

This is their story.

Different lives. Different personalities. 

Two groups. One mission.

 ***

Nagtago ako sa likod ng isang poste nang makarinig ako ng kaluskos mula sa lumang building na ito. Sinipat ko ng tingin ang kabuuan ng gusali, madilim at ang ilaw sa isang poste na nasa gitnang bahagi lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid.

Inayos ko ang aking Smith and Wesson revolver handgun. Tinignan ko ang kasama ko.

"Ugh. This is so uncomfy kaya!" pilit na sinisira ni Mira ang kayang 5-inches heel. Aniya'y uncomfortable daw ito at ayaw nya daw matapilok habang nakikipaglaban. I smirked at the thought. Bakit kase may pa heels heels pang nalalaman ang babaeng 'to eh alam namang susugod kami. Tsk.

"I see there's nothing here..." Ilang minuto lang ang nakalipas nang confident na naglakad si Hunt papunta sa pinakagitna ng gusali, sa likod niya ay nakabuntot si Hyacinth na alisto pa din sa kanyang paligid. Kitang-kita kong hindi niya parin naitatago ang hawak na SOG Seal Knife 2000.

Damn it. Wala na talaga sila? But I thought...

"They are faster than we thought. Shet na malagkit men!" Nilingon ko si Willow at nakita kong nakikipag high five na sya kay Jupiter.

"Kuyaaaa! Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba kuya?" Naagaw ang aming atensyon nang patakbong lumapit si Vivienne kay Willow habang isinisigaw ang kunyaring pag-aalala niya sa kalagayan ng kapatid. May pahawak-hawak pa sa abs na nalalaman ang bruha.

"Tss. Para-paraan." Pabulong na sambit ni Jupiter habang ibinabalik yung baril na hawak niya kanina.

Iba ang pakiramdam ko ngayon. Tila ba ay may hindi magandang mangyayari. Sinipat kong muli ang mga kasama ko.

Si Mira na pinanghihinayangan ang nasirang heels.

Si Reed na prente lang na nakasandal sa likuran habang tinitignan si Mira.

Si Kaia na may katext.

Si Kenzie na palinga-linga na parang may hinahanap. Of course, si Haider ay naglilibot pa at baka may mga bombang nasa paligid.

Si Avery na ngayon ay parang disappointed. Ano bang pinoproblema neto?

Si Harper na pababa mula sa ikalawang palapag ng gusali. So doon siya nagtago kanina?

Si Khiels na naghahalungkat na sa kanyang Kangaroo Portable PC.

Si Lachlan na... Nasaan nga ba si Lachlan?

Ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito? Weird.

"Tara na guys! Uwi na tayo! Wala naman pala tayong mapapala dito. Pwe." Patalon-talon pa si Yrbua nang sinabi iyon.

Napanganga ako nang makita si Yrbua. Kasama pala namin siya?

Sumunod kami sa kanya palabas ng gusali. Nakakatawa. We all wasted our time, yun pala, wala nang kalaban. Mabilis na pumanhik si Reed sa kanyang motorbike habang ako ay nagsindi ng sigarilyo. Hindi pa nakakalabas sina Hunt at Hyacinth. Ibig sabihin, wala pang order na pwede na kaming umalis

"Nagmomoment na naman siguro those two." Nakapout na pahayag ni Mira. Ang arte talaga. Mukha namang bibe pag nakapout. Umirap ako sa kawalan nang nakita kong sinang-ayunan ni Avery ang pahayag na iyon.

"Tawagin ko na," pahayag ko, nagsitanguan naman ang lahat. Naglalakad na ako palapit sa gusali nang makarinig ako ng isang putok. Kasabay noon ay ang sigaw ni Hunt at ilan pang sunod-sunod na putok.

Napatakbo ako. Ramdam kong nagsisunuran din patakbo ang mga naiwan ko sa parking lot.

Isang Hunt na nakayakap sa isang nakahigang Hyacinth ang naabutan namin. Ilang metro lamang ang layo sa kanya ay dalawang lalakeng duguan.

Mabilis na dumalo sina Kaia at Mira kay Hyacinth. Binuhat nila ito sa tulong ni Haider at anila'y dadalhin na nila ito sa pinakamalapit na ospital. Ang iba ay mabilis na nilapitan ang dalawang bangkay para kapkapan ito at maghanap ng kahit anong clues tungkol sa grupong kinabibilangan ng dalawa.

"Masyadong malalim ang sugat at marami na ang nawalang dugo sa kanya, hindi na kaya ng mga first-aid ito. I think an operation to remove the bullet may be needed." Paliwanag ni Kaia bago ito sumunod kina Haider at Mira.

Ramdam kong may nakamasid sa amin mula sa itaas. Lumingon ako sa direksyong iyon. Tama nga ako. Isang lalakeng nakaitim at nakahawak ng sniper riffle na nakatutok kay Hunt ang aking naabutan.

Hindi niya napansing nakatingin ako sa kanya. Marahil ay masyado itong focused sa kanyang target. Hinanda ko ang aking sarili upang pangunahan sa pagtira ang lalaki ngunit bago pa man ako makapagpaputok ay mayroon nang balang tumama sa noo niya.

Nilingon ko ang sniper naming si Harper na malaki ang ngisi. Hindi talaga maipagkakailang isa siya sa pinakamagaling na shooter sa mundo namin - isang mundong pinapalibutan ng mafias, groups, sororities, organizations, gangs and whatever you'd like to call it.

"The Ravenclaws." Napatingin kami kay Avery. "These men are from the Ravenclaws. Does this mean..." Napakunot ang noo niya.

"It doesn't matter. Ravenclaws are going to hell." Mapanganib na sambit ni Hunt.

Shit. I've never seen him this scary... and I smell WAR.

Iris ChroniclesWhere stories live. Discover now