Chapter 2

155 15 1
                                    

AVERY

***

Ugh. So ingay naman ng mga lalakeng 'to. Di tuloy ako makapagconcentrate writing this essay.

Where na ba kase si Yrbua at di ako makapagutos to make sapak these boys to make tahimik na. Mas bagay kaya sa kanya magmuchacha!

Napapout ako sa naisip. Yrbua and Muchacha doesn't really fit. Cute naman si Yrbua ah? Pag wala nga lang ang ibang girls around.

I looked around the room. Buti pa itong si Kenzie, she's not even worried about anything! At mas mabuti pa talaga si Mira! Puro fashion mags lang inaatupag. Why can't I make tapos this ba kase? Essays are so annoying eh di naman nakakatulong sa future ko!

"Keeey!" malambing kong tawag sa pinsan ko. Sana naman umepekto sa kanya. So that he will agree to make my essay for me na. Yay!

"Keeeey~" tawag ko ulit, with matching beautiful eyes pa yan ah.

"Cousin naman eh!" Sa wakas! Ha-ha! Lumingon din si -

"Kaya mo na 'yan." Pokerface niyang sagot.

Panira!

"Damn shit!" Tinignan ko si Hunt na padabog na binitawan ang game controller. Tse. Nakulangan lang ng pansin ni Cinth 'to for sure. I smirked.

Nang mawalan ako ng pag-asang tutulungan ako ng napakagaling kong pinsan in this essay ay nilingon ko si Khiels - my only hope. Ang tanging matiyaga at matalino sa mga taong kasama ko.

He seems worried though. Nakakunot ang kanyang noo habang abala sa pagtatype sa kanyang laptop. Namalayan ko pang bumubulong-bulong siya ng mura.

Is something up?

Ugh. Nevermind him. Kaya ko 'to! Me pa ba? Isipin ko palang, after I finish this, I can go shopping with Mira na! Yay!

Binasa ko ulit ang sinusulat kong draft. There is something lacking talaga eh. I read the essay topic again.

'LOVE ESSENTIALS'

I don't know. I have never fallen in love so I have no idea what the essentials of falling in love are. Duh. Feel ba ng teacher namin is we make landi na everywhere at ganito? Paano naman us who only have shopping as the center of our lives? Ugh.

Tiningnan ko si Vivienne para sana humingi ng tulong sa kanya at baka may alam siya sa landi niyang iyan pero nang makita kong nakatitig siyang mabuti sa natutulog na Jupiter ay napabuntong hininga na lamang ako.

I stared at Jupiter, too. Baka sakaling matunaw na siya at mabaling naman sa iba ang kamanyakan ni Vivienne. As I stared at him, an idea popped into my mind. Tama nga naman. Sus. Si Juppy lang pala ang sagot! I smiled and happily wrote on my paper.

"Yay!" tumayo pa ako ay nagtatatalon matapos kong irewrite ang essay ko.

Tumingin si Lachlan sa gawi ko "Ingay." and then dedma siya ulit.

Anong problem nun ba?

"Ano pala kinabubusyhan mo dyan, Av?" curious na tanong sa akin ni Haider.

"Gumagagawa ng essay ko, Hai. It's due tomorrow na kase eh.

"Tungkol saan ba at parang hirap ka kanina?" singit ni Reed sa usapan. Ngumiti lang ako at sinagot siya. Nabigla ako sa pagtawa nilang dalawa ni Haider. Nagawa pa nga nilang mag high five habang patawa-tawa kaya inirapan ko sila. Mga Abnormal.

"Huh?" Takang-taka ang mukha ni Key nang tinignan ang dalawa naming kasamahan.

"Diba lingerie line yang Love Essentials?" at humagalpak na naman sa tawa sina Haider at Reed.

Iris ChroniclesWhere stories live. Discover now