Chapter 6

80 7 0
                                    

HYACINTH

***

"Hunt! Bilis na kase!" Sigaw ko sa boyfriend kong hanggang ngayon ay hindi padin tapos magbihis. Ano ba yan. Mas matagal pa siyang maghanda para sa lakad kesa sa akin.

I really wanted to try this newly opened Mexican Restaurant which is about an hour drive away from my place. I sighed.

Di ko naman din pwede yayain ang girls.

Si Seraph ay ayaw pumasok sa mga resto. She prefers fastfoods and streetfoods.

Si Avery naman at si Mira ay parehong binabantayan ang mga katawan nila.

Si Kaia ay busy mag-aral.

Si Vivienne ay sasama lang daw if we go boy hunting after.

Si Kenzie ay hindi ko macontact.

Si Yrbua naman ayaw sumama kase may gagawin daw.

So I was left with no choice but to force Hunt to go with me. I sighed. Tagal. Gutom na ako eh.

"Hunt!" Tumayo ako at naglakad papunta sa loob ng kwarto ni Hunt.

Nung tinawagan ko siya kanina ay sinabi niya lamang na puntahan ko siya dito sa Penthouse niya. Eh di ko naman alam na paghihintayin pa pala ako neto ng mahaba!

At dahil ayaw niya buksan ang pinto ay bumalik nalang ako sa pagkakaupo sa sofa bago binuksan ang TV.

***

"Cinth..."

"Hmm."

"Cinth..." Naramdaman kong may humahalik sa pisngi ko. But I am too sleepy to even wake up.

"Cinth..." Naramdaman ko ang mainit na kamay na humahaplos sa bandang dulo ng aking dress.

Makikiliti na sana ako kung hindi lang ako inaantok eh.

Tumigil ang paghaplos ng mainit na kamay sa legs ko pero ramdam ko ang init na dala ng katawan neto nang binuhat ako. Sa isang malambot na kama lumapat ang katawan ko. It feels si comfortable na mas lalo lamang akong nahalinang matulog.

                                          ***

"Stop crying. We need you to plan!" Sigaw ni Seraph kay Avery na umiiyak ngayon.

"I...I... Can't" umiiling na sambit ni Avery na hanggang ngayon ay di padin matigil tigil ang pag-agos ng luha.

Tinignan ko si Vivienne na nakayuko lamang sa gilid at parang wala sa sarili. Nakatulala lamang siya.

Sunod kong nilingon si Kaia at Yrbua na busy sa paghahanap ng kung ano sa paligid.

"I can't find anything to clean wounds here. Fvck. Yrbua, may nakita ka?"

Naglakbay ang mata ko papunta sa mukha ng isang taong sugatan at ikinabigla kong si Kenzie iyon.

What the hell happened here?

Si Mira! Kumpleto ang mga babae maliban kay Mira. Nasaan si Mira?

Lumapit ako kay Avery at sinubukang hanapin sa kanya si Mira.

"Av, where's Mira?" Pero ni isang lingon ay hindi niya iginawad sa akin. Para bang wala siyang marinig. Puro iyak lamang ang ginawa niya.

Napakunot ang noo ko. Bago lumapit kay Vivienne para sana kausapin ito.

Iris ChroniclesWhere stories live. Discover now