Chapter 8

79 7 4
                                    

KENZIE

***

"Nasaan na ba yung band aids dito? Yrbua yung first aid kit! Nasaan na yung mga pinapakuha ko sa'yo?" Nagmamadaling tanong ni Kaia sa ngarag na ngayong si Yrbua.

Maingay ang lahat sa headquarters matapos ang laban na nangyari kanina.

Maliban kay Mira na umalis muna at magpapaayos daw ng kuko niyang nasira ang nail art. Dumiretso ang lahat dito upang gamutin ang mga sugat na natamo kanina.

Inuna namin ang Chronicles dahil alam namin na kung papabayaan namin sila ay hahayaan lang ng mga lalaking ito ang mga sugat nila.

"A-a-aray!" Mas lalo ko pang idiniin ang bulak na hawak ko sa sugat ni Haider nang magreklamo itong nasasaktan siya.

"Ano ba! Sinasadya mo eh!" Reklamo na naman nito kaya napalingon ang lahat sa amin.

"Kung alam mo lang ang sakit na binibigay mo sa mga babae mo, mahihiya kang mag reklamo!" Pasigaw kong sabi sabay diin ulit ng gamot.

Totoo naman eh. Kung alam niya lang kung paano ako nasasaktan sa tuwing may iba siyang kasama, baka siya pa mismo ang bumili ng gold medal sa sobrang kamartyran ko. Napabuntong hininga ako nang matapos ang pag gamot sa kanya. Iniwan ko siya sa isang gawi nang walang imik.

Tinignan ko ang boys at nakitang si Lachlan na lang ang hindi pa nagagamot. Lumapit ako sa gawi nito ngunit nag-iwas ito ng tingin nang makita akong palapit.

Tinapunan ko na lamang ng nagmamakaawang tingin si Avery. Tumango lamang ito at mabilis na tinapos ang pag-gamot kay Reed.

"Come here, Lach. Let's put some gamot on that." Tapik ni Avery sa silya. Tinapunan uli ako ng tingin ni Lachlan bago ito naglakad papunta kay Av.

Simula nung nangyari sa bar more than a week ago, ay hindi na umimik sa akin si Lachlan. Palagi din siyang wala at lagi akong pina aalalahanan nina Hyacinth na as much as possible ay iwasan na muna ang pagpunta sa mga bar kung saan nandoon si Lachlan. Hindi namin alam kung bakit nagawa ni Lachlan na mambugbog doon pero hinala nila ay naging protective lang daw ito sa akin.

Umupo na lamang ako at tinignan ang sarili sa salamin. May pasa ako sa gilid ng aking labi.

"Kaia? Hindi ba makakasama kung lalagyan ko na lang ito ng jelly?"

"Akin na!" Nag-angat ako ng tingin sa nakasimangot na si Haider nang inagaw niya ang gamot na hawak ko.

"Hindi. Akin na..." Tanggi ko rito.

"Ako na! Baka kung ano na naman sabihin mo!"

"Ako na kase. Kaya ko na.." Giit ko rito. Ngunit matigas talaga ang ulo niya at nakikipag-agawan pa talaga eh.

In the end, pinabayaan ko na lang siyang gamutin ang sugat ko. Pinahiran niya ng ointment ang may pasang parte ng labi ko. Napaiwas ako ng tingin dahil ang awkward ng itsura namin ngayon.

Hindi ako mapalagay. "Sus! E pwede naman pala kayong manahimik na dalawa at hindi na nag-aaway e!" Sita ni Harper sa'min. Nagtawanan naman ang ibang mga lalaki.

"Yan na ba yon Haider? Naka naman, nagpapakagentleman ka na ba?" Sinamaan ko ng tingin si Willow na napa-aray dahil diniinan ni Kaia ang paglalagay ng betadine sa sugat niya sa braso.

"Dahan-dahan naman Kaia. Papatayin mo ba ko?"

"Hindi ka mamamatay dahil lang dyan sa sugat mo. Masyadong malayo yan sa bituka."

"Kaya nga hinayaan ko na lang di ba? Sabi mo nga, malayo sa bituka." Kumindat pa si Willow kay Kaia na inirapan lang siya.

"Iba na naman ang tingin nila."

Iris ChroniclesWhere stories live. Discover now