Chapter 4

126K 2.4K 67
                                    


Hindi niya maintindihan kung ano talaga  ang  nararamdaman niya.

Basta ang alam niya...she is shocked and angry.

Wala pa kahit sino ang nangahas na halikan siya.

Ang unang  halik niya..ninakaw ni Luke Contrero....lalaking hindi naman niya nobyo...ni hindi  nga niya lubusang  kilala.

Parang gusto niyang umiyak na sumigaw...

Napakawalanghiya mo!! I hate you!--she angrily thought.

Wish niya lang tantanan na siya nito.



"Issa...heto ang tubig! Napano ka bang bata ka?!" tanong ni Mila.

Dun naman napukaw ang iniisip ng dalaga.

Mahinang salamat ang nasabi niya bago inabot ang baso ng tubig,

Hindi niya alam kung paano siya nakarating dito.

Takbo at lakad ang alam niyang ginawa niya.

Hinawakan ng babae ang mga kamay niya.

"Nanginginig ka! Ano ba talaga ang nangyari?" boses  ulit ni Mila.


Kahit malapit sa kanya ang nakakatandang babae, ayaw sabihin ni Issa ang totoo.

Sa ibang babae siguro walang kwenta ang nangyari sa kanya.

Pero hindi sa kanya.

OA na kung OA pero big deal sa kanya yun.

"W-Wala ate.Napagod lang siguro ako sa paglalakad.Galing kasi ako sa kabilang kanto pa.Medyo mainit na din kasi ang sikat ng araw kahit maaga pa." sabi na lang niya.

"Ipapahatid na kita sa kuya Nardo mo.Nakalabas na din ang traysikel." sabi nito.

Asawa ito ng babae.

Tumayo si Issa.

"Hindi na ate.Diyan lang naman ako.Sige mauuna na ako.May pasok ako.Salamat."






Hindi alam ni Reed kung tatanungin ang pinsan o hindi kung ano ang nangyari.

Kanina pa ito hindi nagsasalita.

He looks annoyed or worried or both.

Alam niya nakatakbo na ito ng mahigit isang oras kahit halos tirik na ang araw.

Ngayon naman nag-pupush ups.

Alam niya when something is bothering his cousin, he goes out with one of his beautiful women.

Pero since wala itong kasamang babae,exercise ang best option to release his stress or annoyance.

Isa lang malamang ang dahilan....si Isabelle.


"Kumusta pala ang pagpunta mo kina Isabelle kanina? Nakausap mo ba?" pasimple niyang tanong sa pinsan.

No reaction from him.

Nailing na lang si Reed.

Hinarap na lang niya ulit ang laptop.

Mukhang na-bulls eye ang pinsan niya.

Hindi naman niya masisi ito.

Iba ang ganda nung Isabelle.

Escaping Luke Contrero (Ebook Version Is On GoodNovel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon