(Less than 10 minutes ago..)
May tinatabas na polo si lola Salome ng marinig niyang parang may tumatawag.
Isang matangkad na lalake ang nasa labas.
Sa likod nito may nakaparadang magarang pulang kotse.
Ngumiti ito ng makita siya.
Hindi maikakaila ng matanda na hindi ito mukhang pang-karaniwang tao.
Sa tindig at dating nito..saksakan ng yaman.
May baritono itong boses na bumagay sa guwapong mukha.
"Magandang hapon po." bati nito.
"Magandang hapon din.May hinahanap ka ba?" tanong ni lola Salome.
Malakas ang pakiramdam niya na si Isabelle ang pakay ng binata.
Bago sumagot ang lalake,may kinuha ito sa likod ng sasakyan.
Malaking basket ng prutas at mga bulaklak.
Lalong lumakas ang hinala ng matanda na aakyat ito ng ligaw sa apo.
Parang gusto niyang mailing dahil bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala para kay Isabelle.
May sinasabi silang woman's intuition.
Malaki ang magbabago sa buhay ng apo niya dahil sa lalaking ito....
Yun ang alam niya at ramdam niya.
"Saan mo kamo nakilala ang apo ko?" tanong ni lola Salome.
Nasa maliit na sala na sila.
Kahit sa loob-loob niya gusto niyang iiwas ang apo niya sa saksakan ng guwapo at yaman na binatang ito...hindi naman niya ugali ang mambastos.
Tao itong nagpunta,kaya tao din niyang tatanggapin.
"Sa beach resort po sa San Fabian."magalang na sagot nito.
Tumango na lang ang matanda.
"Padating na yun.Kapag ganitong araw bago mag -alas singko andito na yun kaya lang may pinabili ako."sabi ni lola Salome.
"Hihintayin ko na lang po kung okay lang po sa inyo." Luke said.
Bumunting-hininga ang matanda.
"Kahit may hinala na ako kung ano ang kailangan mo sa apo ko..tatanungin pa din kita.Bakit ang apo ko?" tanong ni lola Salome.
Walang kurap na sumagot si Luke.
"Dahil iba po siya lola." he said honestly.
"Magkaiba talaga kayo.Napakalayo ng agwat ng estado niyo sa buhay.Sa tingin ko naman madami ang mga babae na nagkakagusto sayo.Hindi ba maari na huwag na lang si Isabelle? Ayaw kong masaktan ang apo ko."
Parang kung merong anong naramdaman si Luke sa sinabi ng matanda.
"Hindi ko po siya sasaktan." bigla niyang nasabi.
Nun naman parang narinig ni lola Salome na may tumigil na sasakyan.
"Tara na Issa." aya ni Brett.
Tila ayaw kumilos ng mga paa ni Isabelle.
Parang ayaw niyang magkita ang dalawang lalake.
Pero kabastusan naman kung hindi niya papapasukin si Brett.
"S-Sige.." sagot na lang niya.
Inalalayan nito ang siko niya.
Ito din ang nagbibitbit ng mga binili niya na gagamiting tela ni lola Salome.
BINABASA MO ANG
Escaping Luke Contrero (Ebook Version Is On GoodNovel)
Romance(This story is written in Filipino language mixed with a little English ) *UNEDITED / Not proofread VERSION* Luke Contrero badly wants the innocent and very beautiful Isabelle dela Vega. He was even willing to marry her just to have her. Isabel...