Revenge One: Asa ka!
Zerika's POV
"I pronounced you husband and wife. You may now kiss the bride." Napalunok ako ng dalawang sunod bago dahan dahang tumingin kay Drake. This is real talaga. I'm having my dream wedding with my unwanted husband. Dahan dahan niyang inangat yung belo ko.
"Close your eyes." Bulong niya sakin. Sinunod ko naman. Unti unti ko'ng naramdaman yung labi niya sa labi ko. It was light yet sweet kiss.
Tinititigan ko yung wedding ring ko. Wow, ilang linggo ko pa lang siya nakikilala tapos ngayon kasal na kami. Masaya naman ako, una kasi he will help me with my daughter tapos he gave me my dream wedding except lang na ang gusto ko sa dream wedding ko ay yung konti lang ang bisita. Siya yata inimbita niya yung buong angkan niya, tapos may mga media pa. Sa totoo lang nung na meet ko yung family niya, nanliit talaga ako. Mafefeel mo talaga na ang yaman yaman nila. Basta awkward yung feeling ko nun, pero mabait naman sila. Hindi naman nila ako inapi nung sinabi naming mag papakasal na kami nung anak nila. Although si Drake muntikan ng tutukan ng shotgut ng tatay ko sa ulo nung sinabi namin yung tungkol sa kasal. Pero in good terms na sila ngayon lalo't alam ni Tatay na tanggap ako nung family ng lalaking pinakasalan ko.
"Anak, okay lang na sundan mo na si Zacarie, aba tumatanda na din naman kami ng nanay mo. Syempre gusto pa namin makita ang magiging kapatid ng apo namin." Pilit na ngumiti ako kay Tatay.
"Hayaan niyo po, aasikasuhin po namin yan as soon as possible... Ouch!" Tinitigan ko lang siya ng masama, nag belat lang siya. "Tay, puntahan lang po namin sila Mommy. Zacarie, dyan ka lang or sasama ka samin ni Mommy?"
"I'll go with you po, Daddy." Nagpabuhat si Zacarie kay Drake. Close na kagad sila, ni hindi ako nahirapan na ipakilala si Drake kay Zacarie. "Mommy, tara na po. Don't make lolo and lola wait." Ang problema ko lang in a year, mag hihiwalay din kami ni Drake...
"Sige, mauna na kayo, susunod na lang ako maya maya." Tumango sila pareho at iniwanan na ako. "Nay, pano po kung hind maging successful ang marriage ko?"
"Aba, anak. Kanina ka lang ikinasal yan na kaagad ang iniisip mo?" Alanganin akong ngumiti at tumingin kila Drake. "Anak, hindi naman kami papayag na ikasal ka kay Drake kung hindi namin nakita sakanya na kaya ka niyang alagaan. Alam ko, o alam namin ng Tatay mo na hindi niya kayo pababayaan ni Zacarie. Malayong malayo siya kay Isaac." Hinawakan nila ni Tatay yung kamay ko.
"Sige na, hija. Pumunta ka na dun at baka hinahanap ka na ng mga in-laws mo." Nginitian ko sila at pumunta na kila Drake.
"Ang here's the bride. Welcome to the family Zerika." Niyakap ako ng Mommy ni Drake. "Na aalala ko tuloy nung kinasal kami ng Daddy niyo, 'di ba honey?" Nakangiting hinawakan ni Tito yung kamay ni Tita. "Let's have another wedding on out anniversary, okay?" Tinignan ko kung nag loloko si Tita, pero parang hindi.
"Can I be the flower girl po ulit? Like today po?" Tanong ng makulit kong anak.
"Of course! Ikaw yata ang pinakamagandang flower girl!" Kinurot niya sa ilong si Zacarie na para bang nanggigil. "Drake, Zerika, asikasuhin niyo ang pag palit ng surname ni Zacarie, okay? I want her to be Salazar as soon as possible."
"Ah. Tita kasi po..."
"Anong Tita? Call me Mommy already!" Alanganin akong ngumiti.
"Mommy, kasi po hindi pa pong pwedeng palitan yung surname ni Zacarie hanggang on going pa po ang trial for her custody." Naging malungkot ang expression ng mukha ni Mommy. Inakbayan ako ni Drake.
"Don't worry Mommy, hindi ko po hahayaan na matalo sa custody case." Medyo inisqueeze niya ako konti atsaka bumaba sa bewang ko yung kamay niya. Somehow, I feel really nice.
BINABASA MO ANG
[BOOK2]Heartbreaker.com
RomanceLahat gagawin ni Zerika para lang huwag makuha ng hitad niyang ex ang kanilang anak. Sabi nga, gagawin niya ang lahat kasama na dun ang magpakasal sa taong hindi naman niya kilala. Wala sa usapan ang mainlove siya dito, pero paano kung kailan ayaw n...