Revenge Two: Oo, alam ko.
Zerika’s POV
“How’s your honeymoon, sweetie?” Tinuloy ko muna ang pag inom ko ng kape bago ako sumagot kay Mommy.
“Mahina po, Mommy. Nilagnat eh.” Tinignan ko si Drake na may cooling patch pa sa noo. “Okay ka na?” Tumango lang siya at sinenyasan akong subuan siya. Aangal sana ako kaya lang nasa harapan namin ang parents niya. “Ay nako, nag papabata.” Kinuha ko 'yung tinidor niya at sinubuan siya ng pancake. “Okay na po, baby ko?” At pilit na ngumiti. Siya naman abot tenga ang ngiti.
“Hinatid na namin si Zacarie sa school. Wala ba kayong balak lumipat ng bahay? Drake’s house is too far, and it’s really inconvenient for the both of you para ihatid sundo siya.”
“Mom, she can stay naman muna kila Tatay for awhile, since malapit dun. We’re planning to look naman ng bahay around that area.” Tinignan niya ako. “Honey, do you know how to drive?” Honey? Honey? Hindi ko alam kung tatawa na ba ako o hindi. My gad!
“Yes, why?” Nag tatakang tanong ko.
“Dad, can she borrow Dannica’s car? Hindi pa naman uuwi si Dannica, and I think by the time na uuwi siya na bili ko na ng kotse si Zerika.” Tinapik ko ‘yung braso niya.
“Honey, hindi naman na kailangan ng kotse. Kaya ko naman mag commute everyday papuntang work.” Pasimpleng pinandilatan ko siya ng mata.
“No hija, gamitin mo muna ‘yung kotse ni Dannica. Baka kung ano mangyari sayo kapag nag commute ka.” Napanganga na lang ako kay Daddy. Nginitian ako ni Drake like saying ‘I won!’. Wala din akong nagawa. “Can you go to work Drake?”
“Probably not, Dad. I will just rest for awhile then fetch Zacarie later.”
“Ako na lang susundo kay Zacarie mamaya, bago ako pumasok. Mag pahinga ka na lang.” Nginitian niya ako na para bang sinasabing ‘Uy concern’. Seriously how can he make those expressions?
“Hindi na, night shift ka today right? You need to rest din. Ako na lang susundo kay Zacarie.” Binalik niya ‘yung tingin kay Daddy. “Dad, about sa pag transfer ko ng office, sana maapprove mo na po today. Para bukas dun na ako mag start.” Biglang nag bago ‘yung expression ni Daddy. “Please? Zerika and I just got married, ayoko naman po na lagi siyang wala sa paningin ko.”
“Then why don’t you just ask her team leader to give her more leave? You’re asking for demotion, Drake.” Teka, parang bigla akong naguluhan. “You will not transfer to satellite office, Drake.”
“W-wait. Ibig sabihin kayo po ang may ari ng IT Care Call Agency?”
“Drake didn’t tell you about that?” Medyo nakangangang umiling ako.
“Dad! I was going to surprise her! Why did you tell her?! Jeez. You’re not helping me.” Nagmukmok siyang parang bata. Grabe para siyang hindi 30 years old.
“Honey, let him be. Allow him to transfer for awhile.” Aangal sana si Daddy kaya lang pinigilan na siya ni Mommy. Ang cute nila. “Baby, you can start working in the satellite office starting tomorrow.” Kinindatan ni Drake si Mommy.
BINABASA MO ANG
[BOOK2]Heartbreaker.com
RomanceLahat gagawin ni Zerika para lang huwag makuha ng hitad niyang ex ang kanilang anak. Sabi nga, gagawin niya ang lahat kasama na dun ang magpakasal sa taong hindi naman niya kilala. Wala sa usapan ang mainlove siya dito, pero paano kung kailan ayaw n...