[BOOK2]Heartbreaker.com

4.5K 62 8
                                    

Prologue:

Zerika’s POV

“I’m taking the custody for Zacarie.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Isaac. “Hindi mo siya kayang buhayin.” Sinampal ko siya. Pagkatapos niya ako’ng lokohin at iwanan ngayon gusto naman niya’ng kunin ang anak ko? Gago ba siya?

“Hindi ko ibibigay ang anak ko!” Hinawakan niya yung pisngi na nasampal ko. “Oo alam ko mahirap lang ako, pero hindi ko hahayaang mapunta saiyo ang anak ko. Pagtapos mo kami’ng iwan ng apat na taon, ito ka bumabalik para kuhanin ang anak ko? Ano ka sinuswerte? Manigas ka!”

Alam ko, pag kakamali ang nangyari samin seven years ago, parehas kami’ng lasing at walang kaalam alam sa nangyari. Fresh graduates kami pareho nun, bata pa kumbaga. Hindi naman kami mag on or ano, basta nagkakilala lang dahil sa mga barkada. Oo, nag kagusto ako sakanya, pero hindi ko ginusto yung nangyari samin. Nag sama kami for three years akala ko, mahal na din niya ako, at willing siya’ng pakasalan ako pero hindi pala.

Parents niya lang ang may gusto na magsama kami para sa magiging anak namin, kaya ayun after three years inawanan niya kami ng anak ko. Ngayon bumabalik siya para kunin si Zacarie? Manigas talaga siya, dahil kahit ano’ng gawin niya hindi ako papayag. Kahit alam ko’ng hindi ko kayang ibigay yung binibigay niya noon, pipilitin ko pa din na itaguyod siya ng mag-isa.

“Anyway, I won’t take no as an answer. Kung hindi mo ibibigay sakin si Zacarie sa maayos na usapan, daanin na lang natin 'to sa korte.” Tinignan ko siya ng masama. Alam niya kung ano estado ko sa buhay, at alam niyang wala ako’ng sapat ng pera para kumuha ng lawyer. Kung patayin ko na lang kaya 'to ngayon. Tsk. “So, hintayin mo na lang yung notice.” Nag wink pa siya sakin, bago siya tuluyang lumabas ng apartment ko.

As of now, nakila nanay muna si Zacarie, kasi dun malapit yung school na pinapasukan niya habang ako nag tatrabaho as an IT support sa isang call center company. Hindi naman ganun kaliit yung kita pero kasi sa isang prestigious school nag aaral si Zacarie. Sa hirap ng buhay ngayon kung hahanap pa ko ng mas mataas na kita, baka in the end maging unemployed pa ko. Hay.

“Summer thank you talaga ha? Hindi ko alam kung paanong thank you ang gagawin ko.” Pinat niya ako sa balikat. Binigayan niya kasi ako ng lawyer na pwedeng tumulong sakin, siya na daw ang bahala sa mga expenses dahil alam naman daw niya na gipit ako at alam din niya kung ano ginawa sakin ni Isaac. Actually mag kakilala nga sila eh.

“Ano ka ba? Okay lang 'yun, mag stay lang saiyo si Zacarie, okay na sakin 'yun.” Niyakap ko siya. “Oh ayan na pala si Attorney eh. Good morning po Attorney Galvez.” Tumayo kami at nakipagshake hands. “Attorney, siya nga po pala si Zerika, yung sinasabi ko po sainyo.”

[BOOK2]Heartbreaker.comTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon