Revenge 3: I'm the husband

1.7K 57 42
                                    

Revenge 3: I’m the husband.

Ilang linggo na akong hindi nakakapagtrabaho nang maayos. Hindi ko mapigilan ang mapailing habang ginagawa ang mga calls ko. Hindi ako masyadong makapag-concentrate lalo na’t alam kong katabi ko lang ‘tong si Drake. Tuwing titingin ako sa kanya, mahuhuli ko siyang nakatingin na rin sa akin. Para akong bumalik sa pagiging high school. ‘Yung nakikipag-agawan nang tingin sa crush mo. Shit. Bakit kasi ang guwapo ng isang ito? Ang hirap hindi pansinin.

“I’ll take my break,” paalam ko kay Drake. Tinignan niya ako na para bang may naiisip siyang gawin. “Why?” Mahinang tanong ko.

“I’m a bit hungry,” tumingin siya sa screen ng laptop niya, “Let’s go,” aya niya at saka tumayo na rin, “I’m done with my work, I can eat with you.”

“You don’t have to,” kunot-noong sabi ko.

“I want to,” sabi naman niya.

Hindi na ako nagreklamo. Kahit ano naman ang gawin ko, malamang siya pa rin ang mananalo. Sa mag-iisang buwan naming pagsasama, walang agrumento na ako ang nanalo. Lahat nang sabihin ko may sagot siya. Hindi ko alam kung saan siya pinaglihi ng Mommy.

“Ano’ng gusto mo?” Tanong niya pagdating namin sa café sa lobby ng office.

“Kahit ano lang,” sagot ko sa kanya. Tinanguan niya lang ako.

Umupo ako sa table malapit sa salamin kung saan kitang kita ang kalsada. Lagi kong gustong umuupo rito dahil nakikita ko na kahit madaling araw na buhay na buhay pa rin ang kalsada. May mga ilaw ng mga building at mga kotse. Hindi ko alam, pero parang mas ginaganahan akong magtrabaho kasi alam kong hindi lang kami ang nagpupuyat para may maiuwing pera para sa pamilya.

“Malapit na ang first hearing,” sabi ni Drake pagkaupo niya, “You think you’ll be alright?”

“I don’t know,” sagot ko, “Hindi ko na rin alam kung ano ang dapat kong isipin,” huminga ako nang malalim, “Drake, I know lagi ko ‘tong sinasabi. Uhm. Thank you talaga, hindi ko alam kung paano ko kayo babayaran ni Summer dahil sa tulong na ibinibigay mo.”

“Lagi ko ring sinasabi sa iyo na ‘wag mo nang alalahanin iyon. Masaya kami ni Summer sa pagtulong sa iyo,” nakangiting sagot niya.

“Masaya ka ba talaga? Ikinasal ka sa taong hindi mo naman kilala, tapos after one year maghihiwalay pa tayo,” paalala ko sa kanya.

“Alam mo, huwag mo na ngang isipin ‘yang mga iyan. Hindi mo naman ako pinilit para pakasalan ka. Kusa akong nagpakasal sa iyo,” ngumiti siya, “And until now hindi ako nagsisi sa ginawa ko. It’s impulsive, pero I think wala namang mali.”

“Ano’ng walang mali? Nagpakasal ka sa akin dahil kinuha kitang revenge helper, ‘di ba?” Pagpapaalala ko sa kanya.

“Revenge helper ba ang tawag sa amin?” Natatawang tanong niya. “Isipin mo na lang na trabaho ko ito kaya ko ito ginagawa.”

“Nagtatrabaho ka sa akin, pero ikaw ang nagpapasuweldo sa akin,” huminga ako nang malalim, “Hindi ko nga alam kung paano ko babayaran sa iyo ‘yung pinanggagastos mo sa amin ni Zacarie, tapos ikaw rin ang gumagastos para sa custody case.”

“Kung lagi mong iisipin ‘yan, malolosyang ka kaagad,” natatawang sabi niya.

“Hindi mo ba ako puwedeng seryosohin?” Seryosong tanong ko sa kanya.

“I’m serious about you, Zerika. Hindi ko ‘to gagawin kung hindi,” seryosong sabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Seryoso ba talaga siya? Never ko pa siyang nakitang seryoso. Lagi lang kasi siyang nakangiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[BOOK2]Heartbreaker.comTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon