Pretend :-/

348 4 0
                                    

"True love doesn't have a happy ending because true love doesn't end."

paano nga ba nagsimula ang lahat sa kanilang dalawa? 

at paano din matatapos ang gulo nila? 

maging cla pa kaya sa huli?

ABANGAN...

Chapter 1

"Hoy...batong Jade... alam ko namang patay na patay ka pa rin sa akin....kaya nga hindi mo maiwasang pagnasaan ang magandang katawan ko!! Eh ni hindi ka nga makapaghintay na makita ako...kaya masyado kang magdabog ng pinto!!".....

"Aba!!...Hoy Vincent....kung di rin naman pala may kakapalan yang pagmumukha mo.... bakit di ka bumili ng liha diyan sa kanto...at ng mabawas-bawasan ang kakapalan mo... Kung makagamit ka ng banyo...parang ikaw lang ang tao dito.... pwede ba...late na ako sa date ko....kaya lumayas-layas ka diyan!!"....tabig nito kay Vince...

"Hah!! sino namang may katarata sa mata ang makikipagdate saiyo!! pakisabi sa kanya...goodluck... baka wala pang isang minuto... tumatakbo na iyon pauwi!!"....sarkastikong tawa ni Vince...

"Hoy....kumpara saiyo....eto...mayaman... may chedeng.... at....hindi kasing sama ng ugali mo!!".... Pumasok siya sa banyo....at pabalibag na isinara ang pinto..... Inis na inis na siya.... kanina pa siya naghihintay sa banyo... at totoong may lakad siya...pero hindi date......

"ano ba yan?? Ano ba yan?? Nagaaway na naman kayo... gusto niyo bang pagbibigyan ko kayo ng tig-iisang itak.... para matapos na...ang world war III dito sa boarding house!!"...wika ni kuya Allen....ang kuya ni Jade...at may ari ng boarding house....

"Pwede...akin baril na lang....para siguradong patay!!"....sagot ni Vince....

Binuksan ni Jade ng konti ang pinto at dinungaw ang ulo... "Hoy...natatakot ka sigurong mabalikan ano!! Duwag ka pala eh... ni hindi ka marunong makipaglaban ng parehas! Palibhasa...hanggang ngayon...denial king ka pa rin... hindi mo matanggap diyan sa kukote mo...na hindi na kita mahal!! Kaya nga hahabol-habol ka pa rin!!"... ibinalibag niya ulit ang pinto...

"Jade, naman!!....yung pintuan... baka biglang bumigay...dagdag pa iyan sa gagastusin natin!!"... mahinahong sabi ng kuya niya... "Ikaw.."..turo nito kay Vince... "magbihis ka na rin....tignan mo yung mga baklita sa kabilang bahay...nakatanghod lahat...nagaantay na malaglag yang twalya mo!"....

Hinawakan ni Vince ng mahigpit ang buhol ng twalya niya....nilingon niya ang kapitbahay....marami ngang baklang nakadungaw sa bintana....."Alam mo Kuya....ikaw na kaya ang bumili ng liha diyan sa kanto...kasi yang kapatid mo...masyadong bilib sa sarili...baka pwede mong lihain ng konti ang ugali...baka kuminis!!".... Nagmamadali siyang pumasok sa kwarto nila.......

Iiling-iling na naiwan si kuya Allen "hay....life nga naman... parang buhay, yung mga taong nagmamahalan ayaw umamin, samantalang sa showbiz...hindi naman sila pinaaamin, pilit umaamin!!"

Inis na inis si Vince habang nagbibihis sa kwarto..... "Date....haha!! anong date?".....bulong niya....

"Sinong may date?"...tanong ni Joaquin na nagising dahil sa pagdadabog niya.....

"Wala!! matulog ka na lang ulit!!"... Kinuha niya ang wallet....pagbukas ay nakita niya ang lumang picture nila ni Jade.... magkayakap....masayang-masaya... bumuntong hininga siya..... "What happen Jade??. What happen?"...

BIglang bumukas ang pintuan...si Bam... "HEy man.... tinititigan mo na naman yang picture niyo... Why can't you just get her back bro... obviously naman na mahal mo pa rin siya!!"... Bam said while sitting on his bed...

"Bro...siya ang umayaw...hindi ako!! Siya ang unang lumayo... So why should I get her back.... hindi ako magmamakaawa para lang sa kanya!!"...he said...closing his wallet...and putting it on his pants.....

Pretend :-/Where stories live. Discover now