Is this yours?

3.6K 132 1
                                    

Christian's POV

Friday

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Naghilamos muna ako tsaka bumaba.

Pagbaba ko wala pa si Matthew. Kelan kaya 'to magbabago?hahaha

"Goodmorning mga kupal" bati ko hahahaha

"Ganda na sana eh. Kaso may kupal pa eh" angal ni Jayvee

"Ayy...ayy may dapat pala kaming malaman" singit ni Fael

Oo nga pala kasi since nung galing sila ng clinic ni Shaina, walang bangayan na nangyari sakanila.

"Ano ba yon?" Tanong niya

"May ginawa ka ba kay Shaina?" Diretsong tanong ko

"Meron" sagot niya

"Whaaaaaaaat???!!!" Sigaw ni Matthew kaya kaming tatlo muntik ng mapatalon. Bwiset 'to ha. Bigla bigla na lang sumusulpot

"Hoy ikaw wag mo kaming ma-what what dyan! Tanghali ka na nagising. Ayoko ng malate" sabi ni Fael kay Matt

"Sshh balik tayo kay Jayvee" sabi naman ni Matt

"Oo nga. Ano ba kasi talaga ang nangyari?" Tanong ni fael.

"Pinagtripan ko. Ayun lang tapos wala na. Ano tapos na kayo?kumain na tayo nagugutom na ako" sabi niya

"Hayy nako bahala ka diyan malalaman at malalaman din namin yan." Sabi ni Matt

"Walang lihim na hindi nabubunyag" sabi ko. Aba! Ang confident ko naman yata haahahaha samantalang nung hinalikan ko si Ashley nung isang araw hindi ko man lang masabi sakanila hahaha.

Maya maya pa natapos na din kami kumain at maligo. Tapos lumabas na kami para sumakay sa kotse..

"Oy yung ilaw napatay niyo ba?" Tanong ko

"Hindi" sabi ni Matt na huling lumabas.

"Anak nang!!! Ikaw na nga huli gumising, ikaw na huling lumabas, ikaw pa hindi nagpatay ng ilaw???!!?" Sabi ni Fael

"Ayy nakoo nagtatalo pa kayo ako na lang nga" sabi ni Jayvee

Eto namang si Fael at Matt pinagtitripan si Jayvee.

"Awoooo" sabi ni Matt

Pero si Jayvee??
.
.
.
.
.
Dedma at Walang effect sakanya yon hahaha. Ayos ba makomi? Hahaha ang tapang ni Fafa Jayvee eh

"Akala niyo matatakot niyo ko?" Sabi ni Jayvee pagkalabas niya ng pinto.

"Mga kupal bilisan niyo malalate tayo" singit ko baka kasi mag-away away na 'to eh hahahaha...

Nasa kotse na kami, as usual si Jayvee nagpatugtog.

Now Playing: I won't give up by Jason Mraz

Taena neto ni Jayvee may pinagdadaanan kaya 'to? Hahaha feel na feel yung kanta.

Pero may kailangan talaga akong malaman sa hype na 'to eh. Mukhang meron kasi talaga.

Matapos ang 123456789 years nandito na kami sa school 😂.

Ashley's POV

Naglalakad kaming apat dito sa hallway pero ako hindi talaga mapakali. Huhuhu nasan ka na ba?

"Girls nakita niyo na ba?" Tanong ko sakanila

"Hindi" sabay sabay nilang sagot

"Arrghh nasan na ba yon?" Bulong ko sa sarili ko.
.
.
.
.
Nawawala nanaman yung cellphone ko. Huhuhu :'(

"Iphone nasan ka na???!!!" Napasigaw na lang ako

"Sis ano ba? Magu-guidance ka niyan bahala ka" suway sakin ni Shaina

"I don't care Sis eh nawawala yung cellphone ko eh" mangiyak ngiyak kong sabi

"Sis sabihin na lang natin yan sa office para ipasabi nila" sabi ni Chesca

"Oo nga sis" sabi ni Xy

Kaya ako napilitan na din sumama sakanila.

Maya maya pa nandito na din kami.

"Goodmorning Ma'am" bati namin

"Goodmorning din. Ano ang problema niyong apat?" Tanong samin

"Mommy yung cellphone ko po nawawala" sabi ko kay Mommy. Siya kasi ang principal dito

"Osige iaannounce ko na lang" sagot niya sakin "Stay here for a while Ashley" sabi ni Mommy at maya maya pa nagmic na siya sa office. "Kung sino man ang nakakita sa cellphone ng anak kong si Ashley Mendoza ipagbigay alam niyo sakin. Kung walang makakabalik ng iphone 5s ni Ashley walang magaganap na foundation day. Thank you" sabi ni mommy

Ako? Naiiyak na dito waaaaa!! Pero maya maya pa naisipan naming apar na bumalik sa classroom kaya nagpaalam na kami. Si mommy naman nagaalala din.

Naglalakad na kami sa hallway. Ako nakayuko lang.

Wala na nga yung first and second kiss ko. Pati ba naman cellphone ko? Aba ang tindi ng tadhana sakin. Bulong ko sa sarili ko.

Maya maya pa...

"Is this yours??" Tanong ni...

"Christian?" Bulong ko sabay humarap

"Eto? Sayo ba 'to? Baka pagbintangan mo nanaman akong magnanakaw ha." Sabi niya

"Hindi. Hindi na. Salamat ha. Thank you thank you. Sumama ka sakin kay mommy sa office para ipaalam to." Sabi ko kay Christian.

"Ah baka naman malate tayo niyan" sabi niya

"Hindi yan. Sa office naman ang punta natin eh."

"Ahh okay sige para hindi na rin mag-alala si Ma'am Mendoza"

"Girls una na kayo ha." Paalam ko sakanila sabay hatak kay Christian

Thanks for reading...

The Four Bad Girls And BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon