The 6th play

5 0 0
                                    

Sena's POV:

Uupo na sana ako pero bigla nalang nagsalita si Sendell.

"Nandito kana pala Sena." nginitian ko lang siya at umupo na sa upuan ko. Binuksan ko ang computer ko.

"Balita ko daw, meron na naman daw tayong boss. Di ba si sir Laien ang boss natin?"

Kahit kailan talaga hindi nawawalan ng balita ang babaeng ' to.

"Alam ko nayan." simpleng sagot ko at sinimulan na ang trabaho ko.

"Alam mo?" tanong niya

Tumango lang ako bilang sagot.

"Ano? Lalaki ba o babae?"

"Lalaki." Bigla nalang akong napaiktad dahil palihim siyang tumili.

"Oh my gosh! Pero teka--"

Napatingin naman siya sa akin at napataas ang kilay.

"nakita mo ba siya? Pa'no mo nasabi na lalaki ang bagonating boss. Nagretire na ba si sir Laien? Di ba, kakapasok nya lang kahapon?"

Ang daldal talaga ng babaeng to.Hindi ako makapagconcentrate sa trabaho ko.

"Oo, nakita ko na siya kanina." Sagot ko naman rito para tumigil na siya sa kadaldalan niya.

"So, anong hitsura nya Sena? Gwapo ba?"

Eto naman tong babae to. Pwede bang magtrabaho nalang siya.

"Kung ano ang hitsyra ni sir Laien." walang ganang sagot ko.

Napakunot naman ang noo niya.

"Nagpapatawa ka ba Sena? Boss na nga natin siya. Pero bakit siya ang tinutukoy mo?"

Naagaw ang attensyon naming lahat ng pumalakpak ang manager namin. Lahat kasi ng kaoofficemate ko ay takot sa kanya maliban nalang sa'kin. Tumayo sa gilid niya si Laien ay este Kaien pala.

"Si sir Laien?" rinig na sabi ni Sendell.

Sabi ko sayo eh! Ayaw mo kasing maniwala.

"Everyone, alam kong nagtataka rin kayo. But this is Mr. Kaien Zyler Cyrus, the other son of Mr. Cross and also the twin brother of Mr. Laien. He is the new vice president of infinity company."

Maraming nagbubulungan dahil hindi sila makapaniwala gaya nga ng reaksyon ko kanina.

"May kambal pala si sir Laien."

"Oo nga, magkamukhang magkamukha nga talaga sila."

"Ang swerte naman natin, ang gwapo ng mga boss natin." tili ng nasa likod ko.

Tssk... Ang landi landi talaga.

Napalingon na naman ako kay Sendell na nagyo'y nakanganga at hindi makapaniwala sa nakita niya. Kinawayan ko naman siya ng kamay para mapabalik sa sarili niya.

"Hoy! Okay ka lang?"

"Tama ka nga Sena. Pero hindi ko kasi siya type. Parang mas malala pa siya kumpara kay sir Laien."

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

Bigla nalang nagsalita si Sir Kaien.

"Nice meeting you all." Ngumiti siya at halos lahat ng babae ay muntik ng mahimatay pwera nalang sa'min dalawa ni Sendell.

Anong meron don?

Sobrang ingay ngayon dahil sa tili ng mga babae ngunit bigla nalang silang napatigil ng sumigaw si Sir Laien at teka----

Kailan pa siya nandyan?

"Get back to work! Or else I will fire you all!"

Lahat naman kami ay nataranta kaya itinuon nalang namin ang pansin namin sa computer. Mga ilang minuto rin ang lumipas ay napaangat ako ng tingin at pansin kong wala na silang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

House for game?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon