The 4rth play

3 0 0
                                    


Sena's POV:

(5:3O AM)

Napamulat ako dahil pakiramdam ko sumasakit ang leeg ko dahil nakatulog ako sa sofa.Hinilot ko ito para maibsan ang sakit.

Napadako ang tingin ko sa orasan at pagkatapos ay tumayo.Hindi pa pala ako nakapagbihis ng damit kagabe.Pumunta muna ako sa kwarto ko para makapag bihis ng damit.Sinilip ko ang kwarto ni Laien na kaharap lang ng kwarto ko at sa tingin ko tulog pa siya.

Pagkatapos kong mag bihis ay sinimulan ko na ang paglilinis.Mula sa kwarto ko at sa iba pang parte ng bahay.

(A few hours have passed)

Nakakapagod naman!

Pinahiran ko ang pawis at bumalik na sa paglilinis. Pumunta naman ako sa kusina para ipaghanda siya ng makakain.

"Ano ba ang gusto niyang kainin?"

Napaisip ako pero said huli ay nilutaan ko nalang siya ng kanin, sabaw, soap at ulam.

Tumingin ako ulit sa orasan at 30 minutes nalang malalate na ako.

Pagkatapos kong magluto ay iniwan ko lang sa lamesa ang mga niluto ko. Pumunta ako sa banyo at naligo.At nang matapos na akong maligo at magbihis ay pumunta ako sa kwarto ni Laien para ipaalam sa kanya na aalis na ako.

Kakatok na sana ako sa kwarto ni Laien ngunit bigla itong bumukas at tumambad sa akin ang six pack abs niya at ang gulo gulo rin ng kanyang buhok.Napadako ang tingin ko sa abs niya at teka...

Namamanyak na ba ako!

"What?!"halata bago pa siyang gising.

Ibinaling ko ang tingin ko sa nakakakunot niyang noo.

"Ah... eh, tapos na pala akong magluto at maglinis.N-nandon lang sa lamesa."

Aksidenteng napatingin na naman ako ulit sa abs niya.

"Oh, did you like what you see Sena?" *smirk*

"H-hindi noh! Alis na' ko" tumalikod ako sa kanya and s**t! Ano raw??

____________________

SA kabilang banda ay nag uusap ang mag ama.

"I heard that you already hand over the position to him" seriosong tanong ng binata

"Yeah." tipid na sagot ng ama niya.

Napakuyom ang kamao niya dahil alam niya na si Laien talaga ang paborito ng ama niya.Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon para patunayan rito na magaling rin siya pagdating sa mga ganong bagay.

"Why is it always him? I can also do what he can do." galit na sabi niya rito.

"Laien is the one who is suitable for that position, son." sagot ng ama.

"Laien?" ulit niya sa pangalan nito pero sa kalooban niya ay parang nasaktan siya sa sinabi ng kanyang ama.

"Did you really understimate me father. Im better than him." dagdag niya at napakunot naman ang noo ng kanyang ama.

"So, what do you mean?" seriosong tanong nito.

"Just give me a chance to prove to you that i will surpass what he can do." cold niyang sabi dito.

"Then prove me." nakangiting pag sang ayon ng ama sa kanya.

Tumayo siya at pumunta sa may pintuan pero napahinto siya saglit at tiningnan ulit ang ama.

"It just a piece of a cake, dad" he smirk and then he exited.

Pumasok siya sa kanyang sasakyan para pumunta sa Infinity company kung saan nando'n ang kapatid niya.

Pagdating niya don ay may nakita siyang babae na palakadlakad sa daan at nang makilala niya ito ay agad siyang napangiti. Pinindot nya ang busina ng kanyang sasakyan ng siyang ikinagulat ng dalaga.

-------------------------------

Sena's POV:

Bigla nalang akong nagulat dahil sa malakas na busina ng sasakyan. At muntik na akong masagasaan kaya napaupo ako sa kalsada.

Aray! Muntik na akong mapatay ah!

Tumayo ako at kinatok ang sasakyan. Ngunit hindi man lang ako pinagbuksan. Pinagpatuloy ko lang ang pagkatok dahil hindi man lang niya narinig.Umuusok na ang ilong ko dahil sa galit.

"Ano ba!! Hindi ka ba lalabas?!" sigaw ko at bumukas ang sasakyan. Nanlaki ang mata ko.

"Laien?. Muntik mo na akong mapatay gago ka!" inis na sabi ko sa kanya.

"Laien?" bigla nalang itong ngumiti.

Ano bang problema ng lalaking to. Nauntog ba ang kanyang ulo.

Magsasalita na sana ako ngunit may biglang nagsalita sa likod ko at paglingon ko-

O_O

"Laien?! Kanina lang-"naputol ko ang pagsasalita ko at palipatlipat ng tingin.

"What are you doing here?" sabi ng na sa likod ko.

KInukusot kusot ko ang aking mata para masigurado hindi ako namamalikmata.

Dalawang Laien? Imposible naman pero parang dalawa nga.

"It's been so long. Isn't it right, my twin brother?" he grin

Ano raw?! Kambal?? May kambal si Laien. Pero bakit hindi ko alam.

Palipat lipat parin ako ng tingin at magkakamukhang magkamukha nga sila at magkasingtaas.

House for game?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon