iii. Summer Fling

57 3 7
                                        

III

Summer Fling


"Hoy Laura, bhe, lutang ka nanaman. Ano bang iniisip mo't kanina ka pa di makausap ng matino since flag ceromony?" saad ng bestfriend kong si Faye habang hawak-hawak ang in-can nyang mountain dew.

Umiling lang ako saka ko ibinalik sa pagkakapatong ang ulo ko sa kamay ko.

"Wala. Namiss ko lang agad sila Lola sa Baguio."

Narinig kong nag-snort sa tabi ko si Faye. "Sus. Aminin mo na, hindi lang sila lola mo ang nami-miss mo doon. Pati yung summer fling mo! Ano ng pangalan nya? Robe? Ronnie? Ano na???"

Tinignan ko ito ng masama tsaka inirapan, "Robbie, tanga. And he's not just a fling, he's a.. friend."

Tinaasan naman ako nito ng kilay at natatawang sinabing, "Sus! Friend? Friend pero wallpaper mo selfie nyong dalawa. Friend pero panglan nya sa contacts mo 'My Main' with puso-puso pa--"

"Matutulog muna ako. Gisingin mo ako pag time na tsaka pag pagod ka ng dumada." saka ko sinubsob ang mukha ko sa braso kong nakapatong sa table, ending our conversation.

Naalala ko nanaman tuloy. Kung sa mga nakaraang gabi, puyat ako dahil kausap ko sya, kagabi di ako nakatulog ng maayos kasi hindi nya sinasagot tawag at mga text ko. Di ko tuloy mapigilang mag-alala dahil baka laro-laro lang lahat ng pinagsamahan namin noong bakasyon para sakanya.

Pinikit ko nalang yung mata ko ng madiin para pigilan ang pag-buo ng luha sa mata ko.

This is perfectly the reason why you shouldn't catch feelings for a person you met on summer.

"Bhe, BES. ANDYAN NA SI SIR." saad ni Faye sakin habang inaalog ako.

Nakabusangot akong umayos ng upo at iniyuko ang mukha ko para itago ang mamula-mula kong mata at pumikit na muna.

"Everyone I would like to introduce you your new classmate." dinid kong saad ni Sir sa harap ng klase. Dinig ko din yung ibang bulangan ng kaklase ko babae. 'Ayy bes, ang gwapo' ' Bhe ang yummy' 'Bhe sana walang gurlpren'

"Hi. I'm Robbie Mendoza. At hello din pala dun sa babaeng nakayuko. I missed you hehe."


--

HI IM BACK HUEHUE. School has finally started kaya I rarely update na huhuhu.

Sorry for the ending btw, I'm having a mild writer's block.

I'll be updating TS's second chapter soon though C: Sa mga hindi pa nakakabasa nung chapter one, just click external link ;)

-vpular, 160618

Drabble CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon