Its 1 AM at wala akong ibang magawa kundi mapangiti nalang sa mga picture na sine-send sakin ng mga siraulo at nang-iinggit kong mga kaibigan sa group chat namin.
Well at least for once they looked like a real living human in their gowns and tux, heh.
Aaminin ko medyo nagsisi ako kung bakit di ako umattend ng prom. Sa lahat kasi ng araw na pede akong atakihin ng asthma ay week before prom pa. Which obviously means I cannot attend prom since it takes 1-2 weeks for my recovery.
Sayang practice ng steps bes hays.
Narinig kong may mahinang kumatok sa pinto ko pero agad din itong bumukas.
"Nebulized?"
"Done." saka ako nag gun-pose kay Mama sabay kindat.
"Very good. Kung di ka sana in-asthma, kasayaw mo sana ngayon si beshie Robbie mo."
Sinamaan ko ng tingin si Mama tsaka bumulong ng , "Paepal."
Tinawanan lang ako ni Mama, "Okay lang yan mamshie, after an hour tapos narin naman na ang maligayang gabi nila." saka nya ako kinidatan with her own version of gun-pose.
Gaya-gaya.
"You should sleep now dear. Tapos ka naman ng mag-nebulize, nainom mo na ba antibiotics mo?"
"Yep, they taste like 'bleh', by the way until when do I have to drink them?" I whined.
"Until tomorrow. So by monday makakapasok ka na yiee makikita nya na si Robbie labidabs ny--"
Agad akong napatayo sa kama. I don't wanna hear this again.
"GOODNIGHT MADER DEAREST MWAPS." I kissed her on the cheek then gently pushed her out of my room.
Saka ako sumandal sa pintuan ko at napa-buntong hininga pagkatapos kong mapalabas si mama. She's always been the cool mom, kaso minsan sumosabra lang ng konti.
Sumalampak na ulit ako sa kama ko at kinuha ang phone kong patuloy na tumutunog dahil sa sunod-sunod na messages/updates ng mga kaibigan ko.
Nag-browse pa akong konti. Magsisimula na daw ang last part ng Prom kung saan puro sayawan nalang ang magaganap. Hangga't sa di ko namalayang nakaidlip na ako.
Ng bigla akong gisingin ni Mama.
"Laura, wake up. There's someone outside." mahina at malambing na saad ni Mama.
"Mmhhhhmng.. Ma, wha?" wala sa sarili kong saad.
"Wake up dear." ngayon namang sinabi ito ni mama minulagat ko na ang mga mata ko. Nakita kong nakangiti si mama.
"Can you help me pick up something outside, ngayon kasi nag-deliver yung inorder ko online na pastry equipments."
Wala ako sa sariling tumango at tumayo sa kama at lumabas ng kwarto, di naisip kung bakit may magde-deliver ng isang parcel sa ganitong oras.
2:06 AM
Pag bukas ko ng pintuan, wala akong nakitang parcel o kung ano mang delivery box.
"Maaa, asan? Ala namang parcel dito.." saad ko habang humihikab at nililingon si mama sa likod ko.

BINABASA MO ANG
Drabble Compilation
LosoweCompilation of vpular's drabbles. This book basically contains very short stories. "A drabble is a short piece of writing (usually fanfiction but sometimes original), usually no more than a 1000 words (although length is debatable) and often not be...