"I honestly think you should just go and confess to her already." saad ni Laura kay Robbie habang nakatuon ang atensyon nito sa pancit nyang kinakain.
"Its not that easy.."medyo nakasimangot at pabulong naman na sagot ni Robbie habang pasimpleng tinitignan sa kabilang table yung babaeng gusto nya. Kasalukuyan silang kumakain sa school cafeteria nila.
Agad namang napahinto sa pagkain si Laura at bored na tumingin kay Robbie.
"Seryoso? Sakin mo pa talaga yan sinabi." Laura deadpanned. Di mawari kung natatawa ba ito o nabwibwiset.
Agad namang natahimik si Robbie sa sinabi ni Laura at napayuko nalang sa pagkaing di nya pa nagagalaw kanina pa.
Napabuntong hininga at iling nalang si Laura sa reaksyon ni Robbie. "You know what, just confess. What's stopping you? If its me, sasampalin na talaga kita." pamimilit ni Laura kay Robbie.
Its what she has been waiting for anyway. Para saan pa ba 'tong ganitong ayos ng friendship nila kung parehas lang naman silang nahihirapan sa sitwasyon nila, na kahit ayaw mang aminin ni Robbie, alam naman ni Laura sa sarili nya na nahihirapan din ito sa nangyayari sakanila ngayon.
Pero di sya iniimik ni Robbie. Kaya binitawan na ni Laura ang pagkakahawak sa kutsara't tinidor nya tsaka hinawakan ang kamay ni Robbie. Agad namang napatingin si Robbie kay Laura sa ginawa nito.
Nginitian muna ito ni Laura, "Do it Robbie. For me? Please."
Nakangiti itong nakiki-usap pero kitang-kita ni Robbie sa mata ni Laura ang pagod at sakit.
'She finally smiled after such a long time. Pero bakit parang ang bigat sa dibdib ng sinabi niya?' saad ni Robbie sa utak nya.
They stared at each other a bit too long but still too short to be considered romantic.
Yumuko na muna si Robbie at bumuntong hininga. Saka sya dahan-dahang tumango at nagsalita, "..okay. I'll do it.. later."
Humigpit lalo ang pagkakahawak ni Laura sa kamay ni Robbie. Then she whispered in a relief but shaky voice, "Thank you.."
--
Laura
Kasalukuyan akong naka-upo sa duyan dito sa park sa pagitan ng village ko at nila Robbie. Napag-usapan naming magkita after dinner para mag kwento kung anong kinalabasan ng confession nya kanina.
Habang dahan-dahang dinuduyan ko ang sarili, nilalasap ko din ang preskong hangin. Sinusubukang pakalmahin ang dumadagundong kong didbdib.
Ramdam ko naman na, na dito na mag tatapos lahat.
Habang iniisip ito, ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng relief but at the same time I feel tired. Its as if habang nasa sitwasyon akong ito, unti-unti na pala akong napapagod ng di ko namamalayan pero ng marealize ko na patapos na ang lahat nakaramdam ako ng relief, at saka ko narealize na, sobra na pala akong napagod sa mga nangyari. Sobrang nasaktan. Sobrang nagpakatanga.
"Hey.." saka nya ipinatong ang kamay nya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. Nilingon ko lang ito saka sya tipid na nginitian. Inalis nya rin ang pagkakapatong ng kamay nya saka sya umupo sa katabi kong swing.
"Anong ulam nyo bes?" agad nitong tanong sakin.
"Yung tirang ginataan kanina--"
"Ah kami kasi ulam namin adobo, nagluto si mama. Aayain nga sana kitang kumain dun samin kaso sabi mo nakakain naman na kayo kaya di na kita inaya. Tas oo nga pala, nag-uwi si ading ko kanina ng graham cake na ginawa daw nila sa school, nakalimutan kong dalhin para iuwi mo. Bukas ko nalang bigay sayo para kainin natin nyan sa scho--"
BINABASA MO ANG
Drabble Compilation
De TodoCompilation of vpular's drabbles. This book basically contains very short stories. "A drabble is a short piece of writing (usually fanfiction but sometimes original), usually no more than a 1000 words (although length is debatable) and often not be...