Simula
Maaga akong nagising ngayong araw. Eksayted nga ata ako sa unang araw ng klase ngayon. Grade seven na ako sa isang pampublikong paaralan dito saamin.
"Dito ka lang at ako na ang maghahanap sa seksyon mo." Ani mama habang ako'y nakatingin sa mga kapwa ko mag-aaral na nadaan sa harapan namin. Marahan akong tumango at ngumiti sakanya. She's very supportive. Naalala ko tuloy nuong sumali ako sa isang kompetisyon nuong elementarya ako.
"Hi!" Tiningnan ko ang bumati saakin at saka ko siya nginitian.
"Hello."
"Ang ganda mo! Ako nga pala si Geraldine!" Ani nito 'tska inilahad ang palad niya.
"Czarina Alcantara." Pagpapakilala ko sabay abot sakanyang palad.
"Czarina? Uhm. Your name looks familiar." Sabi nito sabay lagay ng kanyang mga daliri sa noo. Nakakatawa ang kanyang mga galaw.
"Alam ko na! You're my classmate!" Pasigaw na sabi nito na ikinatawa ko.
"What's funny?" Tanong nito.
"Nothing. It's just, your so cute when you act like that." Sabi ko rito.
"Halika punta na tayo sa classroom natin." Aya nito saakin.
"Hinihintay ko pa si mama." Sabi ko rito ng naka ngiti.
"Ganoon ba? Samahan nalang kita." Sabi nito saakin.
Ang dami niyang naikwento.
"Jade ang seksyon mo." Salubong saakin ni mama.
"Alam ko na ho iyon ma." Sabi ko rito ng nakangiti.
"Geraldine, my classmate. Ge, my mom." Pagpapakilala ko sakanila.
"Hello po tita!" Bati ni Geraldine. Nakakatuwa talaga siya.
"Hello rin. Halina't pumunta na tayo sa classroom ninyo."
Sumunod na lamang kami kay mama habang itong si Geraldine ay nagkukwento. Hindi tuloy ako nabo-bored dahil sakanya.
Sa mga sumunod na araw ay naging matiwasay naman ang daloy ng aking pag-aaral.
Nalaman kong itong si Geraldine ay nakapagtapos din nang may honor. She's 6th honorable mention while me is on the 5th spot. Sa kabilang baryo pa sila nakatira. Sadyang dinadayo kasi itong paaralan dito sa Bacolor.
"Bye Czarina!" Sabay kaway nito. Naka service sya samantala ako ay nasakay lamang nang tricycle.
Sakto lang kasi ang antas ng pamumuhay namin hindi katulad nila, mayaman.Dumating ang buwan ng septiyembre. Napaka eksayted na naming lahat dahil mayroon kaming Musical Play sa Clark expo.
"Precious, diba monthsarry niyo no'n ni Kent?" Tanong ni Geraldine kay Pre, isa pa naming kaibigan.
"Oo, magdedate nalang daw kami after the play tutal diretso naman mall, hindi ba?"
Marahan kaming tumango. May boyfriend na siya, three months pa lang sila sa a otso. Pero, hindi pa namin nakita si Kent kahit kailan. Sabi niya for the mean time 'wag muna namin itong kilalanin. Schoolmate namin si Kent pero hindi namin alam ang apelyido kung kaya'y hindi namin ito maipagtanong tanong.
"Uy Rina, attend ka sa saturday ha?" Sabi ni ate Princess, Ssg officer.
"Po? Edi ba po na move ang exam sa sabado?"
Umiling ito atsaka ngumiti. "Sa lunes na daw kaya no worries."
Tumango ako, "Sige po, magpapaalam ako kay mama."
"So, see you then?" Sabay tawa nito. Nagpaalam na rin siya dahil may klase pa sya samantalang kami ay breaktime na.
"Sikat ah!" Biro nila saakin.
"Tse! Kayo talaga." Sabi ko saka nagyayang bumalik na sa classroom.
Pagkarating namin sa classroom ay busy ang lahat sa kani-kanilang takdang aralin. Tss. Lagot na naman nito sila kay Ma'am Dimarucut.
Habang busy sila kami naman ay nagku-kwentuhan lamang tungkol sa mga crush.
"Oo nga pala, ikaw Rina wala ka pang nababanggit tungkol sa crush mo." Natigilan ako bigla. Sasabihin ko ba?
"Ah... Eh kasi," nahihiyang sabi ko kung kayat pinasadahan ko ang buhok ko ng aking mga daliri.
"C'mon! 'Wag ka nang mahiya."
Sabi ni Precious."Si Jasper." Sabay dukho ko. Nahihiya talaga ako pagdating sa mga ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
Beside You
Teen FictionShe don't believe in a long distance relationship but he doesn't care about that. She has a miserable past, he accept it. Would she accept the past of him too? Would she keep on loving him though he has a past that keeps on playing into his mind? Wo...