Unang Kabanata

2 0 0
                                    

Unang kabanata

Tinanaw muna nila ang puwesto ni Jas atsaka ako hinarap.
"Oh my gosh! Si Jas talaga?" Gulat na tanong nilang dalawa.
Marahan akong tumango at ngumiti sa kanila.
"Ayie. Ikaw ha!" Asar saakin ni Precious na ikinahalakhak nilang dalawa. Natatawang umiling ako sakanila.

Dumating ang araw ng Musical Play namin. Late na ako nakarating sa school kung kaya't marami na ang nakapasok sa mga jeep at bus na aming gagamitin.

"Rina, jeep number 7 ka." Sabi saakin ni Joshua, barkada ni Jasper.

"Okay, salamat Josh!" Ngumiti lamang ito saakin atsaka sumakay sa jeep number 6.

Dumiretso ako sa jeep 7 na nakapuwesto malapit sa puno nang mangga kung saan ako laging nakatambay.
Pagkasakay ko ay nakita ko sila Erika at Jalyn. Si Erika ay kasama sa circle of friends namin samantala si Jalyn naman ay kapitbahay namin. Naroon din si Johnloyd na busy mag take ng selfie. Katext ko sila Geraldine at Precious dahil nasa jeep 6 sila.

Geraldine:
Ang sad wala ka dito. :(

Natawa ako sa text niya kung kaya't nireplyan ko ito nang "Okay lang 'yan, magkasama naman tayo later. :)"
Busy ako sa kakatext nang biglang sumigaw si Erika na siyang may hawak ng list.

"Jasper dito ka!"

Napalingon ako sa labas, nasa bukana kasi ako ng jeep kung kaya't ako ang unang makikita kapagka'y umaakyat sila.
Literal na nanlaki ang mata ko at nabato nang makita ko siyang papalapit sa jeep namin. Shit! Is this really happening?!

I took a glance on Erika and her lips were formed a smirk.
She's unbelievable! What the hell!

Nang makarating kami sa Expo ay kaagad kong hinanap kung saan nagpark ang jeep 6. Nakita kong huminto ito sa gilid ng jeep namin. Nauna pala kaming nakarating kaysa sakanila.

Hawak ko na ang ticket ko para makapasok sa loob. Hindi humiwalay si Precious sa amin pero ang expect namin ay hihiwalay ito.

Nakapasok kami nang matiwasay sa loob ngunit tatlong minuto pa kaming maghihintay para magstart ang play. Si Frencheska Farr at Steven Silva with Miss Dulce ang mga pangunahing gaganap sa Musical Play na pinamagatang Hope for the Flowers.

Pagdating nang alas nuebe ay pinagbreak muna ang lahat habang nagpapalit ng costume ang mga role players.
Pumila kami sa may Mcdo at bumili ng burger at coke.
Matapos pa ang tatlong oras ay natapos na ang play. Ang ganda ng k'wento. Ang dami ko ring nakuhang pictures and videos.

Pagkarating namin sa mall ay kaagad kaming pumila sa isang fast food chain upang kumain. Sobrang nakakagutom ang ilang oras na panonood!
Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa arcade. Nagdadalawang isip pa nga ako kung makikigulo ako sakanila lalo na't naroon ang buong grupo.

I played basketball and sang in a karaoke inside the arcade. I don't mind if a lot of people are looking at me as long as I'm enjoying this. Matapos no'n ay dumiretso kami sa national bookstore. Ewan ko ba kung anong ginawa ng mga 'to. Baka sayaw na naman sila. Pagkarating namin sa NBS ay nagbasa ako ng mga nobela. Hilig ko na'ng magbasa noon pa lang.

Napatingin ako sa tumabi saakin. It's Jas. I was shocked at first pero nabawi ko rin kaagad iyon. Ewan ko ba, naiilang talaga ako everytime na lumalapit sya saakin.

Pagpatak ng ala sais ng gabi ay nagtipon kami sa harap ng ferris wheel. Habang hinihintay namin ang adviser namin ay kumuha muna kami ng litrato.

Ito nga siguro ang hindi ko makakalimutang araw sa Freshmen year ko. Today, September 08, 2012.

Beside YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon