Ikalawang kabanata

0 0 0
                                    

Ikalawang kabanata

Dumating ang araw ng intramurals. Mamaya tutugtog sila kuya John Paul, isa sa heartthrob ng school. Si kuya Matthew naman ay kasali sa Mr. Intrams na siyang campus crush. Noong nutrition month ay napili kaming tatlo nila Ge at Pre upang sumali sa nutri jingle na magrerepresinta sa aming baitang.

"Rina!" Tawag sa akin ni Joshua.
Tinaasan ko lamang ito ng kilay.

"Si Jasper." Sabi nito habang hingal na hingal dahil sa pagtakbo.

"Oh?" Tanong ko rito.

"E kasi, ahm. Wala!" Sabay alis nito.

"Napano 'yun?" Tanong ni Precious.

"Nabaliw na siguro." Sabi ko sabay hagikgik.

"Hay nako! Tara na nga!" Sabay hila niya sa'min sa tambayan namin.

After a week bumalik kami sa regular. Regular na oras ng pagpasok at lahat. Gumising ako ngayon ng maaga dahil sa may practice kami ng ala siete sa may parke.
Pagkarating ko roon ay kaagad akong pumunta sa mga kagrupo ko. Nagpapractice kami ng sayaw para sa MAPEH.
Nang napagod kami ay napagpasyahan namin na magbreak muna upang makainom ng tubig at makabili ng pagkain. Inaya ko sila Geraldine, Precious, Erika at Jalyn na bumili sa seven eleven. Habang papalayo kami sa puwesto kung saan nagpapractice ang buong klase ay nagkukwentuhan kami.

"Ikaw ha Rina, hindi ka nagsasabi." Ani Jalyn habang naka ngising aso.

"Czarina David!" Sigaw ng mga kaklase namin na umabot sa kinaroroonan namin. Hindi pa kami nakakalayo kaya dinig na dinig namin ito. Shocks!

"Ayiiieee!" Asar ng mga kasama ko.
Nilingon ko ang mga lalake na kaklase namin. I saw Jas with his friends. Jasper David nakakainis ka!

"Czarina Alcantara David. Wow!" Tukso pa ni Erika. Nakakainis talaga sila! Urgh!

Pagkabalik namin ay agad ko ring tinapos ang practice. Nahihiya kasi ako sa nangyari.

Alas onse nang makarating ako school. Half day lang ang pasok namin kaya gahol kami lagi.
"Rina!" Tawag saakin ni Angelica, secretary namin. Ako nga pala ang vice president ng klase kaya nakakapressured din.

"Uhm. Bakit?" Tanong ko rito habang tinitingnan ang gamit ko.

"Lazy song nalang ang kantahin natin." Sabi niya atsaka iniabot sa'kin ang lyrics. Project namin sa science na kumanta at tumugtog ngunit, ang instrumento ay gawa sa mga patapong bagay katulad ng stick, tanzan, sirang timba, karton at iba pa. Gumawa kami ng gitara, tambol at tanzan na inilagay sa alambre. Hindi ko alam kung ano ang tawag roon. Samantalang ang iba ay gumawa ng tunog mula sa kanilang boses.

Dumating ang araw ng performance namin at nakakuha kami ng 95. I did not expect that because were not prepared unlike the other groups. Akala talaga kasi namin ay next week pa ang performance namin. Well anyway, after that performance is just like the normal days. We go to school, study and go home. We do some bonding at times too.

Naging busy ang iba sa lalabanan nilang quiz bee at kami naman ay pa chill chill lang muna. Dapat kasi ay ako ang isa sa lalaban ng quiz bee pero tinanggihan ko. 'Di rin naman ako grade concious no!

I hate attention. I don't want to be the center of their attention.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beside YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon